You are on page 1of 8

I.

PAMAGAT NG PELIKULA

Four Sisters and a Wedding

(Apat na magkakapatid na babae at isang Kasal)

(2013)

DIREKTOR: CATHY GARCIA-MOLINA

II. MAY AKDA

ISANG PAGPAPAKILALA KAY CATHY GARCIA-M

Si Catherine Rosales Garcia-Molina (ipinanganak noong Nobyembre 28, 1971) ay isa sa mga
pinakamahusay na Pilipinong direktor ng pelikula at telebisyon na kilala sa pagdidirekta ng mga
romantikong komedya at Pampamilyang dramafilm na ginawa at ipinamahagi ng Star Cinema.
Nagdirek na rin siya ng ilang teleserye, na ipinalabas sa ABS-CBN, kung saan isa siya sa mga
resident director. Ang kanyang mga pelikula ay madalas na naging ilan sa mga pelikulang may
pinakamataas na kita sa Pilipinas.

Ang kanyang pelikula noong 2019, Hello, Love, Goodbye, na pinagbibidahan nina Kathryn
Bernardo at Alden Richards, ay naging pinakamataas na kita ng pelikula sa Pilipinas sa lahat ng
panahon. Ang pelikulang The Hows of Us (2018), na dating may hawak ng record, at ngayon ay
ang ika-2 pinakamataas na kita na pelikulang Pilipino sa lahat ng panahon.

Narito ang kanyang 3 panalo at 26 na nomination sa best in direktor niyang mga awards (Asian
Academy Creative Awards 2020 Nominee), (Asian Academy Creative Award Best Direction,
Fiction) (Hello, Love, Goodbye 2019), (Best Original Screenplay Hello, Love, Goodbye
2019)Shared with: Carmi Raymundo and Ronalisa A. Co, (Australian Academy of Cinema and
Television Arts (AACTA) Awards 2019 Nominee), (AACTA Award Best Asian Film
Hello, Love, Goodbye 2019) Shared with: Carlo L. Katigbak. (FAMAS Award Best Director) A
Second Chance (2015)Best Story, A Second Chance (2015)Shared with:Carmi Raymundo at
Vanessa R. Valdez, (Best Screenplay A Second Chance 2015)Shared with: Carmi Raymundo at
Vanessa R. Valdez 2015 Nominee (FAMAS Award Best Director She's Dating the Gangster
(2014)( FAMAS Award Best Director Four Sisters and a Wedding (2013)
(2011NomineeFAMAS Award Best Director) Miss You Like Crazy (2010) FAP Awards,
Philippines 2020 Nominee FAP Award Best Screenplay Hello, Love, Goodbye (2019)
Shared with: Carmi Raymundo Best Director Hello, Love, Goodbye (2019) 2019 Nominee FAP
Award Best Screenplay The Hows of Us (2018) Shared with: Carmi Raymundo Gilliann Ebreo
Crystal S. San Miguel 2018 Nominee FAP Award Best Director Seven Sundays (2017) 2009
Nominee FAP Award Best Director A Very Special Love (2008) Golden Screen Awards,
Philippines 2010 Nominee Golden Screen Award Best Director You Changed My Life
(2009) 2009 Nominee Golden Screen AwardBest Director A Very Special Love (2008) Star
Awards for Movies 2021 Winner Star Award Movie Screenwriter of the Year Hello,
Love, Goodbye (2019) Shared with: Carmi Raymundo Ronalisa A. Co Movie Director of
the Year Hello, Love, Goodbye (2019) 2019 Nominee Star Award Movie Director of the
Year The Hows of Us (2018) Movie Screenwriter of the Year The Hows of Us (2018) Shared
with: Carmi Raymundo Gilliann Ebreo 2018 Nominee Star Award Movie Director of the Year
Seven Sundays (2017) Movie Director of the Year Unexpectedly Yours (2017) 2016
Nominee Star Award Movie Director of the Year A Second Chance (2015) Movie
Screenwriter of the Year A Second Chance (2015) Shared with: Carmi Raymundo Vanessa R.
Valdez 2014 Nominee Star Award Movie Director of the Year Four Sisters and a Wedding
(2013) Movie Director of the Year It Takes a Man and a Woman (2013) 2009 Nominee Star
Award Movie Director of the Year A Very Special Love (2008) 2008 Winner Star Award
Movie Director of the Year One More Chance (2007) 2007 Nominee Star Award
Movie Director of the Year You Are the One (2006)

III. BUOD NG PELIKULA

Nagsimulang ang pelikula sa apat na batang magkakapatid na sina Teddie, Bobbie,


Alexandra at Gabbie gumagawa sila ng pinagpatong - patong na biskwit at pinaglaruan nila ang
mga ito at pinahid sa kanilang mukha. Ngunit sa isang banda narining nila ang kanilang mga
magulang na nag-aaway. Daglian silang pumunta sa simbahan at ipinagdasal kay baby Jesus na
magkaayos ang kanilang mga magulang at hiniling nila na magkaroon sila ng baby brother na
maituring nilang bunso at ito ay natupad.

Sa paglipas ng panahon sila ay tumanda at nagkaroon ng iba’t ibang trabaho at career sa


buhay. Si Teddie na ginampanan ni Toni Gonzaga, siya ang may Sense of Humor na panganay sa
magkakapatid na dating guro at pumunta sa Spain upang maging english tutor ngunit hindi nila
alam na ang trabaho niya nalamang ay waitress at maid. Si Bobbie na ginampanan ni Bea
Alonzo, ang pinakamatalino at breadwinner ng pamilya. Si Alexandra na ginampanan ni Angel
Locsin, ang Black Sheep ng pamilya at isa ring freelancer. At si Gabbie na ginampanan ni Shaina
Magdayao, siya ang Old maid ng pamilya, matalino at bunso ngunit nagtatagalay ng mother
instinct.

Habang kumakain sa hapag kainan sina Gabbie, Cj na ginampanan ni Enchong Dee at


kanilang ina na ginampanan ni Coney Reyes. Sinabi ni Cj na magpapakasal na ito, agad naman
itong ibinalita ni Gabbie sa kanyang mga kapatid na ikakasal siya kay Princess na ginampanan
naman ni Angeline Quinto at sinabing dapat kompleto sila sa kasal. Mausisa ang mga
magkakapatid at sinabihan ni Alexandra na chararat si Princess. Naghanda at naglinis ng bahay
sina Cj, Gabbie at si Toti Marie sa pagdating ng mga magkakapatid. Unang dumating si Bobbie
kasama ang kanyang partner na si Tristan na ginampanan ni Sam Milby at ang pilyo niyang anak
na si Trixie dahil itinali niya ng buhok ni Bobbie sa upuan ng taxi. Sumunod na dumating si
Teddie galing spain kasama ang may gusto sa kanya na si Frodo na ginampanan ni Janus del
Prado umutang siya ng pamasahe sa kanya at kapalit nito na dapat ipapakilala niya ito na
kanyang kasintahan. Huling dumating si Alexandra at plastikang nakipagyakap kay Bobbie dahil
mayroong silang hidwaan na 5 taon ng hindi niya ito kinausap sapagkat ang ex boyfriend ni
Bobbie ay naging boyfriend naman ni Alexandra.

Habang sila ay kumakain sa mesa, napag usapan nila ang magiging kasal ni Cj at
nasabing chararat ni Alexandra nagtampo si Cj ngunit sinuyo ito ng mga magkakapatid at
nangakong susubukang kilalanin si Princess. Pumunta ang pamilya Salazar sa pamilya Bayag
upang mamanhikan. Magara ang bahay ng pamilya Bayag mapagbiro si Honey Boy na
ginampanan ni Boboy Garivillo ang ama ni Princess. Bumaba sa hagdan suot ang magara at
makinang na damit ang ina ni Princess na si Jeanette na ginampanan ni Carmi Martin. Inusisa
nila ang magkakapatid at napagusapan ang planong kasal nila Cj at Princess na may tema na
under the sea. Naglabas din ng Pre-nup ang magulang ni Princess at hindi ito nagustuhan ng
pamilya Salazar. Dahil dito ayaw ng 4 na magkakapatid na makasal si Cj kay Princess kaya’t
nag-isip sila ng mga paraan upang hindi matuloy ang kasal naghanap sila ng baho ng pamilya
bayag, gusto nilang magkaroon ng boys night out si Cj, gusto rin nilang may maunang ikasal
upang mapigilan ang kasal. Una nilang plano na magkaroon ng Boys Night Out tinawag nila si
Totsi Marie upang planuhin ito upang mapakilala si Cj sa iba pang babae. Napainom ng marami
sina Cj, Tristan, Frodo at Totsi kaya nag alala ang mga magkakapatid kung nasan na sila.
Pumunta si Princess sa bahay ng Salazar ang saktong may dala itong mga inumin at almusal para
sa hang over. Inusisa rin ni Gabbie si Princess dahil gagamitin niya ang kusina nito. Nasarapan
ang lahat sa luto ni Princess. Dumating rin ang kasintahan ni Alexandra na si Chad na
ginampanan ni Bernard Palanca na ex boy friend rin ni Bobbie na idol rin ni Princess.
Nagrequest ito na magkantahan sila at nagkataon na ang kantang ito ay ang ginamit ni Chad sa
pagpropose kay Bobbie. Nagkaroon ng katahimikan at umalis narin si Chad. Pupunta rin sa
abroad si Tristan para sa kanyang trabaho at iiwan si Trixie kay Bobbie upang magkaroon sila ng
bonding. Isinagawa ni Teddie kasama si Frodo ang plano nila sa Spa ng pamilya Bayag upang
alamin kung ano ang happy ending na tinutukoy sa Spa. Nagdala ito ng mga Pulis ngunit napag
alaman niya na hindi naman pala ito malaswa. Umuwi ng bahay si Cj at galit na galit siya kay
Teddie nandun ring ang mga magkakapatid at nakasagutan at sumbatan ang mga ito at sinabi
niyang sa ayaw man nila o gusto matutuloy ang kanilang kasal. Gusto ni Trixie ng Grape Juice
ngunit wala ito sa kanilang bahay at pumunta sila sa Convenient Store at sa hindi inaasahan,
nakita nito na may ibang kasamang babae si Chad na ginampanan naman ni Mocha Uson.
Binanggit ito ni Bobbie kay alexandra ngunit nagkasagutan sila ang nagsabihan ng mga sama ng
loob nakita ito ni Trixie kaya’t napatigil ang dalawa,

Pumunta ang pamilya bayag sa bahay ng pamilya Salazar upang ipakita ang susuotin ng
mga nito ngunit ayaw nila ang mga disenyo. Nag isip si Honey Boy ng laro upang malaman kung
susuotin ba nila ito o hindi. Dahil din sa larong ito nagkainitan si Bobbie at Alexandra at ang
pamilya Bayag at Salazar. Pinaalis ng kanilang ina ang pamilya Bayag dahil ayaw niyang may
masamang sabihin ang mga ibang tao sa kanyang anak. Dahil din dito lumabas na ang baho ng
lahat. Si Teddie na isang waitress at katulong sa Spain, si Bobbie na nagtatampo at naghahanap
ng atensyon. Akala nila na perpekto na ang buhay niya ngunit nagsakripisyo siya para sa kanila.
Nakapag patawaran din sina Alexandra at Bobbie dahil sanggang dikit ito noong sila at bata
palamang at nasira lang dahil kay Chad. Nagkaayos ang mga pamilya at nalaman ang kanilang
mga pagkukulang. Nais makita ni Alexandra si Chad upang alamin ang sinabi ng Bobbie ngunit
nakita niya ito na may kahalikan ni Chad kinaladkad niya ang babae ngunit hindi niya rin ito
sinapak. Namatay ang lolo ni Princess kaya’t hindi pwedeng matuloy ang kanilang kasalal.
Pumunta ang pamilya Salazara sa pamilya Bayad upang makiramay. Nagkaayos din sila ang
sinabing sayang naman ang simbahan at gastos sa kasal nila Cj at Princess. Kaya’t ang ikinasal
ay si Bobbie at pagkauwi palang ni Tristan dun niya nalaman na tinanggap na ni Bobbie ang
singsing kaya’t sila ay ikinasal. Masaya ang naging ending ng pelikula sout ang mga sea
creatures na tema ng kasal nila Bobbie at Tristan.

IV. PAGSUSURI

A.URI NG PANITIKAN

PELIKULA- HINGGIL SA PAG-IBIG AT RELASYON

B. PAMAGAT

Four Sisters and a Wedding o Apat na Magkakapatid na Babae at isang Kasal ay tumatalakay
sa kaugalian, pakikitungo, tampuhan at inggitan ng mga magkakapatid sa isang pamilya.
Tinalakay dito kung sino ang Bread Winner, Black Sheep, Old Maid, at may Sense of Humor sa
magkakapatid. Pinapakita rin nila na ang pamilya ay nagmamahalan sa isa’t isa at
pinoproteksyunan nila ang bawat miyembro ng kanilang pamilya lalo na sa kanilang bunso na si
CJ. Ipinapakita rin dito na dapat pantay ang trato ng mga magulang sa kanilang anak upang
maiwasan ang inggitan at siraan ng mga magkakapatid.

C. TAUHAN
Bea Alonzo - gumanap bilang Bobbie, isang matalino at Bread Winner ng pamilya Salazar
Angel Locsin- gumanap bilang Alexandra, isang siyang aktres na raketa kahit na mababa ang
sahod gusto niya ito, maituturing din na Black Sheep ng pamilya Salazar
Toni Gonzaga- gumanap bilang Teddie, isang dating guro na naging waitress at kasambahay sa
Spain, siya ang may Sense of Humor sa pamilyang Salazar
Shaina Magdayao- Gumanap bilang Gabbie, isang matalinong anak at professor, siya ay
tinaguriang Old Maid or nangangasiwa sa bahay at sa kanyang ina at kapatid.
Enchong Dee- gumanap bilang Cj, or rebreb mula sa biskwit na Rebisco. Siya ang hiniling ng
apat na magkakapatid
Angeline Quinto- gumanap bilang Princess Bayag, ang babaeng mapapangasawa ni Cj,
Coney Reyes- gumanap na ina ng pamilya Salazar, isang inang handang ipaglaban ang kanyang
mga anak.
Sam Milby- gumanap bilang Tristan,siya ang boyfriend na Bobbie.
Bernard Palanca- gumanap bilang Chad, siya ang ex boyrfriend ni Bobbie na boyfriend rin ni
Alexandra.
Janus del Prado- gumanap bilang Frodo, isang mabait na tumutulong sa ampunan, siya rin ang
tumulong kay Teddie at magiging boyfriend nito
Carmi Martin- Gumanap bilang Jeanette Bayag, siya ang nanay si Princess
Boboy Garovillo- Gumanap bilang Honey Boy Bayagm siya ang tatay ni Princess
Cecil Paz- gumanap bilang si Toti Marie, siya ang kasambahay ng pamilya Salazar
Vangie Labalan- Gumanap bilang Manang, siya ang kasambahay rin sa pamilya Salazar
Samantha Faytaren- gumanap bilang Trixie, siya ang anak ni Tristan sa namatay nitong
kasintahan
Mocha Uson- gumanap bilang Mocha, siya ang babae ni Chad

V. REAKSYON

A. SA MGA NAGSIGANAP
Bea Alonzo - Napakuhasay nito sa pagkakakita ng kasosyalan at pag-iyak nito sa kanyang
karakter damang dama mo at mapapaniwala ka na matalino nga siya at ang tampo niya sa
kanyang ina at makapatid na kahit matagumpay siya naghahanap din siya ng atensyon,
Angel Locsin- Kuhang kuha niya rin ang kanyang karakter maangas at pasaway pero ramdam
mo ang pagmamalasakit din sa kanyang mga kapatid.
Toni Gonzaga- Natural sa kanya ang may Sense of Humor, bagay sa kanyang karakter at
madarama mo ring ang pagkainggit niya kay Bobbie dahil siya ang panganay
Shaina Magdayao- Kuhang kuha niya rin ang kanyang karakter na mukang masungit pero siya
talaga ang maaasahan ng lahat lalo na sa pag- aalga sa kanyang ina at kapatid.
Enchong Dee- Mahusay siya sa kanyang pagganap, madarama mo din yung tampo niya at yung
pagiging bunso talaga ng pamilya, pinapakita niya na nag mature na siya at pwede nadin siyang
mag asawa.
Angeline Quinto- bagay rin sa kanya ang kanyang karakter, na pinaexaggerate ngunit nakuha
niya kung paano ito ipakita.
Coney Reyes- Napahusay rin ng kanyang pagganap, makikita mo rin sa kanya ang dedikasyon at
pagtatanggol sa kanyang anak anuman ang mangyari.
Sam Milby- Maayos niyang nagampanan ang kanyang karakter na lalaking mabuti ang hangarin
at disente.
Bernard Palanca- Bagay rin sa kanya ang kanyang pagganap parang natural talaga sa kanya na
manloko ng babae.
Janus del Prado- Mahusay rin ang kanyang pagganap, makikita mo sa kanya na masayahin siya
at handang tumulong talaga sa nangangailangan lalo na sa bahay ampunan.
Carmi Martin- Medyo nakakainis ang kanyan role ngunit matagumpay siya dahil nainis niya
kami, exaggerayed masyado at oa pero nabigyan niya naman ng hustisya ang karakter na napunta
sa kanya.
Boboy Garovillo- ito ang tatay na susuportahan ang trip ng kanyang asawa dahil mahal niya
talaga. Maayos niya rin nagampanan ang kayang karakter.
Cecil Paz- nakakaaliw siya at makikita mo rin sa karakter niya na go with the flow lang din siya.
Vangie Labalan- siya yung mataggal ng kasambahay na meron din talaga sa sa ibang pamilya
makikita mo rin sa kanya na handa ka niyang pagsilbihan at samahan sa tuwing wala ang iyong
ina.
Samantha Faytaren- ganito rin talaga ang mga bata ngayon, pasaway at maldita nagampanan
niya ang kanyang karakter at mamahalin mo rin siya kinalaunan may pakialam naman siya kaso
nga lang namatay ang kanyang ina kaya’t nag iba ang kanyang pag uugali.
Mocha Uson- mahusay siya sa kanyang pagganap at mukha talaga siyang kabet sa mga pelikula.

B. ISTILO NG MANUNULAT NG ISKRIP

Napakagaling ng pelikulang FOUR SISTERS AND A WEDDING dahil ito’y makatotohan ang
ipinapakita ang eksaktong pangyayari ngayon na nagaganap sa bawat pamilya ang inggitin at
pagmamahalan. Ito ay nagbigay ng interest sa manunuod dahil sa leksyun at aral nito bilang
isang pamilya. Hindi mawawala ang irengan ng magkakapatid sa bawat achievements ng bawat
isa. Ito rin ay nagbibigay sa mga magulang ng muwang na dapat pantay ang pagtrato sa kanilang
mga anak. Ano man ang mangyari o sitwasyon ang pagpapatawad at pang unawa sa pamilya ang
napakaimportante maging masaya at magsuportahan sa achievements ng bawat isa.

C. SARILING REAKSYON

Mahusay ang lahat ng nagsiganap at nabigyang hustisiya ang kani- kanilang karakter. Mula sa
batuhan ng mga dialogo at mga artistang gumanap sa pelikulang ito. Makikita po talaga na
natural sila sa pagbitaw ng dialogo at ramdam mo kung ano ang pinupunto ng bawat isa.

PANANALIG/TEORYANG PAMPANITIKAN

TEORYANG REALISMO

Ipinaglaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.Sinumang tao,


anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista,ay dapat maging katotohann ang pag lalarawan o
pag lalahad.

- Ang pelikula ay nagpapakita ng realidad sa buhay ng bawat pamilya ang mga favoritisim o pag
pabor sa mga gusto ng isang anak, pagtatampo at katuyaan ng mga anak may masipag at may
sakit rin sa ulo.

TEORYANG ROMANTISMO

Ang panitikang ito ay nagpapakita ng pnanalig na higit na pinapahalagahan anf damdamin kaysa
sa pag-iisip.
Sa eksenang sinagot ni Alexandra ang ex ni Bobbie, mahal niya ito kahit na masasaktan ang
kanyang kapatid ngunit pinili niya kanyang nararamdaman.

TEORYANG EKSISTENSYALISMO

Ang terminong ito ay nagpapahayag ng mahalagang paksainang konkretong buhay at


pakikihamok ng indibidwal gayundin, ang usapan ng indibidwal sa kalayaan at pagpili.

- Ang eksenang pagdedesisyon na career o love, ni Boobie pinili niya ang career at nawala ang
kanyang minamahal,

- Ang eksenang sasagutin ni Alexandra ang ex ni Bobbie, ngunit sinagot niya parin ito kahit na
ex ng kapatid niya.

TEORYANG KLASISMO

Ang layunin ng panitikang ito ay ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang


nag-iibigan.

-ang eksenang pagpirma sa Pre-nup nila Cj at Princess at nagpapakita sa panitikang ito dahil
mayaman si Princess.

TEORYANG FEMINISMO

Layunin ng panitakang na ipakilala ang mga kalakasan at kakayang pambabae.

-ang pagtataguyod ng kanilang ina kahit wala ang kanilang ama ang isa sa nagpapakita ng
panitikan ito.

-ipinapakita dito ni Bobbie ang kanyang kakayahan at kalakasan na kaya niyang makipagsabayan
at isakripisyo ang pang interes na kagustuhan para sa ikakabuti ng kanyang buong pamilya.

VI.BISANG PAMPANITIKAN

A. BISA SA ISIP

Maging pantay sa mga anak,magbigay ng suporta sa kapatid at pangunawa. Ito ang tumatak
sa aming isipan normal lang sa isang pamilya ang mag inggitan dapat alam ng magulang kung
paano sila bibigyan ng atensyon upang maiwasan ang tampuhan.

B. BISA SA DAMDAMIN

Lungkot at kasiyahan ang aming naramdaman. Naiyak kami sa eksena ng sagutan at


nagkaaminan ng saloobin ng bawat isa. Pumukaw sa amin ang kanilang mga nararamdaman
dahil minsan nararamdam din natin ito. Kung may narating ang ating mga kapatid at ang buhay
na kanilang tatahakin. May mga tutulong sa inyong pamilya at meron din namang pabigat. Sa
kabila ng lahat pamilya natin sila kaya’t tayo dapat ay magmahalan at magtulungan.

C. BISA SA KAASALAN

Bawat magkakapatid dapat alam ang limitasyon minsan sa atin nakakapag sabi tayo ng hindi
maganda na “palamunin ka lang dito” o “wala kang kwenta”. Dapat alamin natin at hikayatin
natin kung mali ang pag uugali nila o nawawala sila sa landas turuanh iwasto ang kanilang
pagkakamali. Ang tunay na kayaman ay hindi pera kundi pamilya. Ipinapakita ng pelikulang ito
ang moralidad sa ating buhay na dapat ang bawat pamilya ay magsuportahan sa bawat desisyon
na tatahakin ng mga kapatid at matuto tayong huwag agawin o mahalin ang minamahal ng ating
kapatid upang maiwasan ang tampuhan.

D. BISA SA LIPUNAN

Sa isang lipunan, may iba’t ibang mga tao ang nakapaloob o bumubuo dito. Bilang isang
mamamayanan dapat ay marunong tayong tumanggap at umunawa sa tao lalong lalo na sa ating
kapamilya. Huwag tayong magpataasan ng ihi at humingi ng tawad kung nagkamali. Parang sa
eksena ni Teddie nahihiya siya na isa nalamang siyang waitress at kasambahay sa kabila ng
kanyang natapos. Marami ang nakakaranas ng ganito ang mis-job kung baga. Ang natapos mo
mali sa trabaho mo ngayon. Sa ating lipunang ginagalawan gustong gusto ka ng tao or
namamangha sila sa mga narating mo ngunit hindi nila alam ang mga sakripisyo upang may
mapatunayan kalang. Ang pressure sa bawat individual ang nagiging sanhi ng kawalan ng lakas
ng loob kasi gusto natin makipagsabayan sa magagaling. Lagi rin nating tandaan na kahit anu
pang narating natin sa buhay manatiling magpakumbaba at ibahagi ang nalalaman at karangyaan
mo sa iba.

You might also like