You are on page 1of 37

8

NOT

Edukasyon 11
sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Quarter4 - Module 1
(ANG SEKSUWALIDAD NG TAO)

Government Property
NOT FOR SALE
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 –Module 1 ( Module13: Ang Seksuwalidad ng Tao)

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand

names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City

Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module
Author/s: Jezha o. Montealto
Reviewers: Pablito B. Altubar, CID Chief
Himaya B. Sinatao, LRMDS Manager
Illustrator and Layout Artist: Joemar Valdevilla
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C.Nistal, PhD.

Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
Chief, Curriculum Implementation Division

Members
Rodrigande J. Miole, EPS 1- ESP
Catalina P. Rubin, PSDS
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Edukasyon Sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan
Quarter 4- Modyul 1

Ang Seksuwalidad ng Tao

Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita …………………………………………………………………………….. i

How to Learn from this Module…………………………………………………………… i
Icons of this Module……………………………………………………………………….. ii

Modyul 13: Ang Seksuwalidad ng Tao

Alamin……………………………………………………………………….1
Subukin…………………………………………………………………… 1-3
Tuklasin ……………………………………………………………………3-6
Worksheet Para sa Mag-aaral …………………………………………. 7-9
Suriin……………………………………………………………………… 10-14
Pagyamanin ……………………………………………………………… 15
Pagtatasa ………………………………………………………………… 15
Worksheet Para sa Mag-aaral …………………………………………. 18
Isaisip………………………………………………………………………..19
Isagawa…………………………………………………………………… 19-20
Worksheet Para sa Mag-aaral………………………………………….. 21-25
Buod………………………………………… …………………………… 26

Key to Answers..............................................................................................................27

Sanggunian.................................................................................................................... 28
Paunang Salita

Ang modyul na “Ang Sekswalidad ng Tao” (Modyul 13) ay ginawa upang

matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na matutunana ang iilan sa mga
mahahalagang isyu tungkol sa seksuwalidad Hinuhubog din nito ang mga pananaw ng mga
kabataan tungkol sa tamang mga gawain kaugnay sa pagiging lalaki at babae.

Inaasahang sa pagsasanay sa modyul na ito ay mas lalong matutunan ng mag-aaral

ang tanggapin ang sarili ayon sa kaloob ng Diyos na siyang lumikha sa atin. Kasama din
ang pagsisikap na mas mahalin ang sarili upang mas mapaunlad ito na siyang maaring daan
tungo sa mas masayang pamumuhay sa tahanan o maging sa komunidad na
kinabibilangan.

Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat pahina ay

iniangkop sa kakayahan, interes at pagkakaintindi sa mga napapanahong isyu sa ating
bansa upang mas maunawaan ng mga kabataan ang kani-kanilang tungkulin bilang lalaki at
babae. Makakatulong din ito upang mamuhay ng may pagkilala at pagtanggap sa pagkatao
ng bawat isa tungo sa mahusay na pakikipagkapwa at ang paglinang sa pinakamahalagang
birtud – Ang Pagmamahal.

How to Learn from this Module

To achieve the objectives cited above, you are to do the following:
• Take your time reading the lessons carefully.
• Follow the directions and/or instructions in the activities and exercises
diligently.
Answer all the given tests and exercises.

i
Icons of this Module
What I Need to This part contains learning objectives that
Know are set for you to learn as you go along the
module.

What I know This is an assessment as to your level of

knowledge to the subject matter at hand,
meant specifically to gauge prior related
knowledge
What’s In This part connects previous lesson with that
of the current one.

What’s New An introduction of the new lesson through

various activities, before it will be presented
to you

What is It These are discussions of the activities as a

way to deepen your discovery and under-
standing of the concept.

What’s More These are follow-up activities that are in-

tended for you to practice further in order to
master the competencies.

What I Have Activities designed to process what you

Learned have learned from the lesson

What I can do These are tasks that are designed to show-

case your skills and knowledge gained, and
applied into real-life concerns and
situations.

ii
Modyul ANG SEKSUWALIDAD NG TAO
13
Alamin

Kung sa unang markahan ng Baitang 7 ay pinag-aralan ninyo sa klase ang mga

inaasahang kakayahan at kilos na dapat linangin ng isang nagdadalaga o nagbibinata, sa
modyul na ito mas lalo pang palalalimin ang pag-aaral tungkol dito. Ngayon, may sapat ka
nang kaalaman sa pagkatao ng tao, mahalagang pag-usapan natin muli ang tatlo sa mga
kakayahan at kilos na ito: Una, ang pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
(more mature relations) sa mga kasing-edad; pangalawa, ang pagtanggap ng papel sa
lipunan na angkop sa babae o lalaki at; pangatlo, ang paghahanda para sa pag-aasawa at
pagpapamilya.
Ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito ay may kaugnayan at nangangailangan ng
tamang pag-unawa sa mahalagang sangkap ng pagkatao ng tao – ang seksuwalidad.
(Kinopya mula sa Kto12 ESP Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8 pahina 335)

Para sa mga layunin ng modyul na ito:

A. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad.

(EsP8IPIVa-13.2)
B. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga
para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at
nagbibinata, at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal – ang pag-
aasawa o ang pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa Diyos. (EsP8IPIVb-13.3)
C. Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na
magmahal (EsP8IPIVb-13.4)

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat Gawain.
2. Itala ang mga punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ag lahat ng mga katanungan sa bawat Gawain.
1

Subukin

Gawain 1A Panuto: Para sa mag-aaral

A. Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong pagkatapos ay isulat ang titik ng
tamang sagot sa espasyong inilaan para dito. Mayroong worksheet na inihanda para
sagutan ninyo.
1. Ano ang seksuwalidad ng tao?
a. Ay ang pagkakaroon ng maraming nobyo o nobya.
b. Ay ang pagkakaroon ng maraming kalaban at pagiging matapang.
c.Ay nakikita sa dami ng nabuntis ng isang lalaki na walang ibinigay na suporta kahit
kailan.
d. Ay may kaugnayan sa pagiging ganap na lalaki o babae ng isang tao

2. Bakit iba ang katutubong simbuyong seksuwal ng tao sa seksuwal na pagnanasa ng

isang hayop?
a. Dahil ang seksuwal na pagnanasa ng hayop ay nakabase sa kanilang “instinct” kaya
nagiging awtomatikong kilos at hindi ginagamitan ng kamalayan.
b. Dahil ang hayop ay marunong mag-isip at magpigil ng kanilang seksuwal na
pagnanasa.
c. Dahil ang hayop ay may kakayahang magpasya kung ano ang dapat at hindi.
d. Dahil ang hayop ay ginagabayan ng konsensya.

3. Ano ang Puppy Love?

a. Pag-ibig ng mga aso
b. Isang paghanga lamang at hindi tunay na pagmamahal
c. Pag ibig na katulad ng sa mga aso
d. Gustong gawin ng mga aso

4. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal.

Ano ang ibig sabihin nito?
a. Walang pagmamahal sa taong nasa loob ng kulungan.
b. Ang tunay na pagmamahal ay nakikita lamang sa labas ng bawat bahay.
c. Dahil sa ating malayang kilos-loob walang makapagdidikta sa atin kung sino ang ating
mamahalin at kung sino ang magmamahal sa atin.
d. Mahal ang presyo ng pagmamahal.

5. “Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang
ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal”, Ito ay ayon kay…
a. Papa Juan Paolo ll b. President Rodrigo R. Duterte
c. Vice Ganda d. Leonor M. Briones
2
6.Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao sa
minamahal. Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang…
a. pagbibigay ng mamahaling regalo b. pag post a fb ng mga larawan ng minamahal
c. paglalaba sa mga damit ng minamahal d. pagpapakasal sa minamahal

7. Ano ang mas malalim na kahulugan ng mga salitang “ Mahal kita dahil ika’y ikaw”?
a. Mahal kita dahil maganda o gwapo ka.
b. Mahal kita dahil palagi kang may award sa paaralan.
c. Mahal ko ang buo mong pagkatao at hindi lang ang iilang bahagi ng iyong katawan o
kaya’y ang mga iilang bagay lang na naiibigan ko sa iyo.
d. Mahal kita sapagkat marami kang binibigay na mga regalo sa akin.

8. Ang pagmamahal ay hindi isang emosyon at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at
mga pandama, ito ay isang…
a. panaginip b. birtud c. bagay d. pangarap

B. Pagsusuri ng Sitwasyon (Kinopya mula sa paunang pagtataya sa Kto12 Modyul Para

sa Mag-aaral ng ESP Baitang 8 Pahina 337-338)
Panuto: Sa Bilang 9 hanggang 10, suriin ang bawat sitwasyon at piliin ang sagot na sa
palagay mo ay akma sa pagbubuo ng kaganapan mo bilang lalaki o babae. Gayahin ang
paraan ng pagsagot sa panuto sa Gawain 1 A.

9. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang

best friend, pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na
kaniyang naiibigan. Pumayag ka ngunit habang sila’y unti-unti nang nagkakamabutihan ay
nasasaktan ka at nakakaramdam ng pagseselos. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
d. Sasangguni sa guro o guidance counselor.

10. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang
tema. Halos lahat ng malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang
gawin ito upang hind maging mangmang tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat
alam mong makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito’y hindi
makabubuti sa kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya’t sasama ka sa kanila.
3

Tuklasin

Gawain 2: ( Kinopya mula sa mga Gawain sa Kto12 ESP Modyul Para sa Mag-aaral
Baitang 8 Pahina 342-343)
Panuto: Basahin ang dalawang sitwasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong.
Isulat ang mga sagot sa worksheet na inilaan para dito.

Si Ruben ay lihim na nahihilig sa panooring pornograpiya. Lingid ito sa kaalaman ng

kaniyang kasintahang si Gigi. Habang nalululong si Ruben dito, tumitindi rin ang kaniyang
pagnanais na makipagtalik kay Gigi. Si Gigi at Ruben ay hindi lamang minsan nang
nagkaroon ng pisikal na pagpapahayag ng kanilang damdamin sa isa’t isa ngunit hindi ito
humahantong sa pakikipagtalik. Napapansin ni Gigi na wari’y nag-iiba na ang pakikitungo sa
kaniya ni Ruben. Madalas ay nagagalit ito kung hindi pumapayag si Gigi na makipagtagpo at
pumunta sa isang tahimik at madilim na lugar na maaari silang magkasarinlan. Ibig din ito ni
Gigi ngunit hindi sa dahilang tulad ng kay Ruben. Alam ni Gigi na mahalaga ang
komunikasyon sa isang relasyon. Ngunit bihira naman silang mag-usap nito kahit
magkasarinlan. Madalas hilingin ni Ruben na tuluyan na silang magtalik upang maipahayag
ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa ngunit nagdadalawang isip si Gigi.
Iba naman ang sitwasyon ni Ramon. May kasintahan din si Ramon – si Venus.
Kakaiba si Venus sa ibang babaeng kilala niya. Bukod sa mahilig ito sa mga kasuotang
maiikli at masisikip, hindi rin ito nahihiyang magpakita ng kaniyang damdamin sa pisikal na
paraan. Busog si Ramon sa pangaral ng magulang tungkol sa halaga ng edukasyon at mga
paghihirap sa maagang pag-aasawa. Ayaw ni Ramon na mapariwara si Venus o humantong
sila sa maagang pag-aasawa, ngunit sadyang naiibigan niya ang ugnayan niya kay Venus.
Madalas siya’y nalilito, “nais nga ba ni Venus ang ugnayang pisikal?”

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa sitwasyong kinalalagyan ni Gigi sa pakikipag-date kay
Ruben?Sa sitwasyon ni Ramon?
2. Sa iyong palagay, tunay bang mahal ni Ruben si Gigi? Ipaliwanag. Ni Ramon si Venus?
Ipaliwanag
3. Kung pumayag si Gigi sa hiling ni Ruben, ibig ba nitong sabihin ay mahal niya si Ruben?
Pangatwiranan.
4. Kung papayag si Gigi, ano ang mga maaaring maging kahahantungan nito? Bakit?
5. Bakit dapat tumanggi si Gigi sa hiling ni Ruben? Ipaliwanag
Bakit dapat pigilan ni Ramon ang simbuyo ng damdamin? Ipaliwanag

Gawain 3 : ( Kinopya mula sa mga Gawain sa Kto12 ESP Modyul Para sa Mag-aaral
Baitang 8 Pahina 344-347)

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na artikulo tungkol sa ilang mga napapanahong isyu.
Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat ang mga sagot sa worksheet na
inilaan para dito.

1. Teenage Pregnancy

Isa itong kuwentong hindi kanais-nais, ngunit madalas nating marinig na nangyayari
maging sa ating mga kamag-aral: ang teenage pregnancy.

4
Ayon sa pinakahuling sensus, may 16.5 milyong Pilipino ang kabilang sa grupong
kinse hanggang bente kwatro anyos. Tatlumpung porsyento (30%) ng mga sanggol na
ipinanganganak sa bansa ay isinisilang ng grupong ito. Bago pa man sila tumuntong ng
bente anyos, dalawamput limang porsyento (25%) ng mga kabataang babae ay nagiging
mga ina na.
Maaaring dahil sa kahihiyan at sa pangamba sa mabigat na responsibilidad na
kaakibat ng maagang pagbubuntis, nakagagawa ang maraming kabataang babae ng isang
kalunos-lunos na krimen: ang pagpapalaglag o aborsyon.
Ayon sa istadistika, taun-taon, halos 64 000 na mga kabataang babae ang
nagpapalaglag sa ating bansa. Ang aborsyon ay hindi legal sa ating bansa. Maraming
nagiging kumplikasyon sa kalusugan ng isang babae ang pagpapalaglag. Tulad na lang
halimbawa ng labis na pagdurugo dahil sa pagkasugat ng matris, pagkabaog, pagkakaroon
ng kanser sa matris, at sa iba’y kamatayan.
Isa ring pangmatagalang epekto ng pagpapalaglag ang tinatawag na post abortion
syndrome o PAS. Isa itong karamdaman sa isip na maihahalintulad sa depresyon. Ngunit di
tulad ng karaniwang depresyon ang sakit na ito ay di maiibsan ng gamot tulad ng anti-
depressants. Sinasabing ito ay ‘di naiiwasan; maaaring dumating nang mas maaga o sa
huling bahagi na ng buhay ng isang nagpalaglag o nasangkot sa prosesong ito. Karaniwan
nang nagiging sugapa sa alak o droga ang mayroong PAS. Marami rin sa kanila ang
nagpapapalit-palit ng karelasyon at hindi na muli pang nagkakaroon ng malusog na ugnayan
o relasyon sa katapat na kasarian.
Ang mga emosyonal at pangkaisipan na epekto ng pre-marital sex ay nakababahala
din. Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon para sa isang babae ay maaaring maging
sanhi ng labis na emosyon at pakiramdam na siya’y mahina, ayon sa sikolohistang si Joan
Kinlan. Maraming kababaihan ang nagsisisi matapos gawin ito na nagiging sanhi ng
depresyon o labis na kalungkutan. Pakiramdam nila ay marumi sila at nagamit. Maraming
mga kabataan ang hindi nakakayanan ang ganitong pakiramdam kung kayat nalululong sa
alak o bawal na gamot. Mayroon ding ilan na nagtatangkang magpatiwakal. Binabagabag
sila ng kanilang konsyensya at ito ay may pangmatagalang epekto. Karaniwang nahihirapan
na silang magkaroon ng isang malusog na ugnayan sa kabiyak o asawa pagdating ng
panahon.
Ang pagkalito ay isa rin sa mga epekto ng pre-marital sex lalo na sa mga
kalalakihan. Nahihirapan na silang tukuyin kung sila nga ay tunay na nagmamahal o
mayroon lamang pagnanasa sa babaeng kanilang karelasyon.

Sagutin ang sumusunod na tanong: Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Ayon sa artikulo, bakit hindi kanais-nais ang teenage pregnancy? Sang-ayon ka ba dito?
Ipaliwanag.
2. May kakilala ka ba na isang batang ina o ama? Batay sa iyong obserbasyon at
namamasid sa kanila, nanaisin mo ba ang maging isang batang ina o ama? Bakit?
3. Sa iyong palagay, bakit maraming mga kabataan sa ngayon ang nagiging batang ina o
ama? Ipaliwanag.
4. Bakit isang krimen ang pagpapalaglag o aborsyon? Pangatwiranan.
5. Bilang isang kabataan, paano ka makaiiwas sa pagiging batang ina o ama? Magbigay ng
ilang mga paraan.

2. Pornograpiya o Malalaswang Babasahin at Palabas

Marami na ang pag-aaral tungkol sa masamang epekto ng pornograpiya sa

kalusugan ng isipan, lalung-lalo na sa mga kabataan. Ano ba ang pornograpiya? Ang
pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na
layuning pukawin ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o

5
nagbabasa. Ayon sa mga eksperto, ang epekto nito sa maraming tao ay nagsisimula sa
mababaw hanggang sa lumala at maging sugapa na dito.
Batay sa pag-aaral ni Iyoob (2008), ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya
ay may kaugnayan sa pakikibahagi o paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal,
lalung-lalo na ang panghahalay. Kadalasang ang tema ng mga mahahalay na palabas na ito
ay nakapagpapababa sa pagkatao ng mga babae. Sila’y sinasaktan o pinahihirapan sa
karamihan nito. Wari ba’y kinamumuhian sila kung tratuhin sa mga palabas na ito. Ang mga
kalalakihang nanonood ng palabas na malaswa ay nagkakaroon ng pagkamanhid sa
pananaw nila sa mga kababaihan. Nagiging animo’y mga bagay lamang ang mga ito.
Nagiging mababaw din ang pagtingin nila sa kasal. Ang pinakamalala, ang panghahalay ay
hindi na nila tinitingnan bilang isang krimen.
Ayon pa rin kay Iyoob (2008) may mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa
pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-
ugnayan sa kanilang asawa. Ang mga taong sugapa sa pornograpiya ay nakararanas
lamang ng sekswal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya at pang-
aabuso sa sarili (masturbation) at hindi sa normal na pakikipagtalik. Sa Amerika, isa sa
itinuturong nagiging dahilan ng diborsyo o paghihiwalay ang tinatawag na sexual
dysfunction na kaugnay nito.
Ang pornograpiya rin ang ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha
ang kanilang mga bibiktimahin. Ang pedophiles ay mga lalaki o babae na nasa hustong
gulang na nagnanasa at bumibiktima sa mga bata at paslit. Nilalason nila ang isipan ng mga
bata sa pamamagitan ng pornograpiya upang maging madali sa kanilang akitin ito na
pumayag sa kanilang mga sekswal na pagnanais.
Dagdag pa sa panganib ng pornograpiya sa internet at sa mga piniratang palabas na
tinda sa mga bangketa, karamihan ng mga pelikulang drama o aksyon na ipinalalabas sa
mga sinehan at sa telebisyon ay mayroong mahalay na eksena. Ito nga ang nanghihikayat
sa mga kabataan na panoorin ang mga ganitong palabas. Maging sa pelikulang pampamilya
ay mayroong eksenang sekswal ang tema. Maging ang ilang mga cartoon o anime na
palabas mula sa Hapon ay mayroong malalaswang paglalarawan sa kababaihan, halikan at
mga eksenang sekswal ang nilalaman. Ang mga mahahalay na eksenang ito ay pumupukaw
ng mga damdaming sekswal sa mga kabataang wala pang kahandaan para dito. Ang mga
damdaming sekswal na ito ay nakalilito at labis para sa kanilang murang edad.
Bukod pa dito, ayon kay Dr. Melvin Anchell, isang psychiatrist, sa edad na 8
hanggang 12, ang ibang enerhiyang sekswal ng tao ay naibabaling at ginagamit sa
paglinang ng damdaming pagkamahabagin na kinakailangan para makontrol ang simbuyo
ng kalupitan. Ang pagkapukaw na sekswal sa murang edad na ito sa pamamagitan ng
pornograpiya ay nakasisira sa paglinang ng pagkamahabagin. Kung wala ang pagiging
mahabagin, ang mga kabataan ay nasusuong sa mga silakbo ng bayolenteng asal.
Karamihan ng mga awitin ng mga kabataan ngayon ay nakabababa ng pananaw sa
mga kababaihan at sa sekswalidad. Nakasisirang-puri rin ito para sa mga kalalakihan dahil
sa ang mga awit na ito ay madalas na tungkol sa kung ano ang kanilang makukuha at hindi
ang kanilang maibibigay sa pakikipag-ugnayan sa kababaihan. Maling pananaw sa
pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang mensahe ng mga awiting ito.
Habang paparami nang paparami ang mga kabataang nalululong sa pornograpiya,
isang mapanganib na mensahe ang nakikintal sa kanilang isipan: ang pakikipagtalik nang
walang kaakibat na pagmamahal o pananagutan.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ayon sa artikulo, ano-ano ang maaaring maging masasamang epekto ng pornograpiya sa
isipan ng tao? Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito.
2. Paano pinabababa ng pornograpiya ang dignidad ng tao? Ipaliwanag.
3. Paano naaapektuhan ng pornograpiya ang kalayaan ng mga taong nalululong sa
pornograpiya? Ipaliwanag.
4. Anong maling pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang pinalalaganap
ng pornograpiya? Ipaliwanag.
5. Bilang isang kabataan paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili laban sa mga
midyang nagpapalaganap ng pornograpiya? Magbigay ng ilang mga paraan.

7
Worksheets Para sa Mag-aaral

Pangalan: _____________________________ Petsa: _________

Baitang at Seksyon: _____________________

Subukin
Score: ______
Gawain 1 Panuto: Para sa mag-aaral
A. Basahin ng mabuti at intindihin ang bawat tanong pagkatapos ay isulat ang titik ng
tamang sagot sa espasyong inilaan para dito.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Tuklasin
Score: _______

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang dalawang sitwasyon. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na
tanong. Isulat ang mga sagot sa mga patlang na inilaan.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang iyong masasabi sa sitwasyong kinalalagyan ni Gigi sa pakikipag-date kay
Ruben lalo na sa mga gusto nitong mangyari?
___________________________________________________________________

Sa sitwasyon naman ni Ramon kay Venus lalo na sa mga ginagawa nito?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, tunay bang mahal ni Ruben si Gigi? Patunayan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
Ni Ramon si Venus? Patunayan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Kung pumayag si Gigi sa hiling ni Ruben, ibig ba nitong sabihin ay mahal niya si
Ruben? Pangatwiranan
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Bakit dapat pigilan ni Ramon ang simbuyo ng damdamin para kay Venus?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3: Teenage Pregnancy

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na artikulo tungkol sa ilang mga napapanahong
isyu.
Sagutin ang sumusunod na tanong: Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Ayon sa artikulo, bakit hindi kanais-nais ang teenage pregnancy? Sang-ayon ka ba

dito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. May kakilala ka ba na isang batang ina o ama? Batay sa iyong obserbasyon at

namamasid sa kanila, nanaisin mo ba ang maging isang batang ina o ama? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit maraming mga kabataan sa ngayon ang nagiging batang
ina o ama? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Bakit isang krimen ang pagpapalaglag o aborsyon? Pangatwiranan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
5. Bilang isang kabataan, paano ka makaiiwas sa pagiging batang ina o ama?
Magbigay ng ilang mga paraan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3 : Pornograpiya o Malalaswang Babasahin o mga Palabas

B. Panuto: Basahin ang sumusunod na artikulo tungkol sa ilang mga napapanahong
isyu.

Sagutin ang sumusunod na tanong: Isulat ang sagot sa mga patlang.

1. Ayon sa artikulo, ano-ano ang maaaring maging masasamang epekto ng

pornograpiya sa isipan ng tao? Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano pinabababa ng pornograpiya ang dignidad ng tao? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Paano naaapektuhan ng pornograpiya ang kalayaan ng mga taong nalululong sa

pornograpiya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Anong maling pananaw sa pakikipag-ugnayan sa katapat na kasarian ang

pinalalaganap ng pornograpiya? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Bilang isang kabataan paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili laban sa

mga midyang nagpapalaganap ng pornograpiya? Magbigay ng ilang mga paraan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10
Suriin

(Ang sumusunod na mga sanaysay para sa pagtuturo-pagkatuto ay kinopya mula sa

mga sanaysay sa Pagpapalalim ng Kto12 ESP Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8
Pahina 353-363)

Ang Seksuwalidad ng Tao

Ano nga ba ang sekswalidad? Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng

kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Hindi ka magiging ganap na tao maliban
sa iyong ganap na pagiging babae o lalaki. Maaari ding sabihing, sa iyong
pagkalalaki o pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao. Halimbawa, may
kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalaki sa papel na ginagampanan mo sa
pamilya at sa lipunan. Sa pamilya, babae lang ang maaaring maging ina, ate, lola, o
tiya; at lalaki lang ang puwedeng maging ama, kuya, lolo o tiyo. May mga gampanin
din na kakaiba sa lalaki o babae ayon sa dikta o pamantayan ng lipunan o kulturang
kinamulatan.
Ang unang katangian na nagpabukod-tangi sa iyo nang ikaw ay ipanganak –
o noong una kang makita sa ultrasound imaging ng iyong magulang - ay ang iyong
pagiging lalaki o babae. Ito ang unang itinatanong sa doktor ng mga magulang mo at
itinatanong naman sa magulang mo ng ibang tao tungkol sa iyo. Ngunit ang
pagkalalaki o pagkababae ng isang tao ay hindi nakikita lamang sa pisikal o
bayolohikal na kakanyahan niya. Ang kaniyang pagkalalaki o pagkababae ang
mismong katauhan niya. Gayonpaman kailangang tanggapin at igalang natin ang
ating katawan, dahil ito ang pisikal na manipestasyon ng ating pagkatao.
Bagama’t tiyak na natutukoy sa kapanganakan pa lang ang pagiging lalaki o
babae ng isang tao, ito’y malaya ring tinatanggap at ginagampanan ng tao ayon sa
tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao.
Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao -
lalaki o babae - na ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na
kakanyahan lamang, ang pagpapakalalaki at pagpapakababae ay isang malayang
pinili at personal na tungkulin na gagampanan mo sa iyong buong buhay.
Isang moral na hamon sa bawat tao ang pag-iisa o pagbubuo ng
sekswalidad at pagkatao upang maging ganap ang pagkababae o pagkalalaki.
Kung hindi mapag-iisa ang sekswalidad at pagkatao habang nagdadalaga o
nagbibinata, magkakaroon ng kakulangan sa kaniyang pagkatao pagsapit ng sapat
na gulang (adulthood). Sa isang taong nasa sapat nang gulang, ang kakulangan na
ito ay maaaring magkaroon ng manipestasyon bilang kawalan ng kumpiyansa sa
sarili, mga karamdamang sikolohikal o karamdaman sa pag-iisip, at mga suliraning
sekswal. Sa ngayon nasa proseso ka ng pag-iisa o pagbubuong ito. Kailangan mo
ang masusing pagkilala sa iyong sariling pagkatao, maingat na pagpapasiya at
angkop na pagpili upang makatugon sa hamong ito.
Ang tao ay tinawag upang magmahal. Ito ang natatanging bokasyon ng
tao bilang tao. May dalawang daan patungo dito – ang pag-aasawa at ang buhay na
walang asawa (celibacy).
“Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang
makapagsisilang ng isa pang tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang
kakayahang ito na magmahal – at maghatid ng pagmamahal sa mundo – ang likas
na nagpapadakila sa tao.” (Banal na Papa Juan Paulo II)
Ayon sa Banal na si Papa Juan Paulo II sa kaniyang akdang “Love and
Responsibility”, upang gawing higit na katangi-tangi ang pagmamahal, at upang ito
ay maging buo at ganap kailangang ito ay magkaroon ng integrasyon. Ibig sabihin,
kailangang mailakip dito ang lahat ng elemento ng tunay na pagmamahal ayon sa
kung alin ang dapat mangibabaw o mauna. Ilan sa mga elementong ito ang
kailangan nating linawin.
11
Kabilang sa mahahalagang elementong tinutukoy dito ay: ang sex drive o
sekswal na pagnanasa, ang kilos-loob (will), mga pandama at emosyon,
pakikipagkaibigan at kalinisang puri.

Ang Sex Drive o Libido

Sa tamang panahon, ang mga isdang salmon ay nangangailangang iwan ang

karagatan upang maghanap ng ilog. Mula dito sila’y lumalangoy pasalubong sa agos
ng tubig paakyat ng bundok. Sinasagupa nila ang rumaragasang tubig at lumulundag
paakyat sa mga talon. Kadalasan sa labis na pagod, marami ang namamatay. Ngunit
ang mga natitirang buhay ay nagpapatuloy hanggang makarating sa kanilang
destinasyon, ang pinag-ugatan ng ilog at sapang kanilang nilangoy. Sa malinis na
tubig sila’y nagpapares-pares, babae at lalaki. Magsasanib ang punla ng lalaking
salmon at ang itlog ng babaing salmon at sa maikling panahon ay mapipisa ang mga
itlog sa malamig na tubig at magkakaroon ng maraming supling na salmon na
lalangoy pabalik sa dagat.
Marahil maitatanong mo kung bakit ginagawa ito ng mga salmon. Ang mga
salmon, ikamatay man, ay patuloy na susundin ang dikta ng kanilang kalikasan
(instinct), sa pagkakataong ito ay nangingibabaw ang tinatawag na sex drive o
katutubong simbuyong sekswal.
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, may mga pagbabago sa iyong
katawan na nagiging dahilan ng pagpukaw ng iyong interes sa katapat na kasarian.
Sa tamang panahon lilisanin mo rin ang sariling tahanan at hahanap ng kapares sa
katapat na kasarian upang magsimula ng sariling pamilya. Sa ngayon ang mga
pagbabagong ito ay maaaring makalito sa iyo dahil hindi mo lubos na maunawaan
ang mga pagbabagong ito. Halimbawa, hindi mo maunawaan kung bakit ka
namumula tuwing ngumingiti sa iyo ang “crush” mo. O kaya’y labis ang iyong pag-
aalala sa iyong isusuot, lalo’t naroon ang mga kasing-edad mo. O kaya’y napapansin
mong may kakaiba sa iyong pakiramdam kapag may nakikitang larawan ng
magagandang babae o lalaking halos walang saplot. Hindi mo dapat na ipagtaka o
ikahiya ang pagkakaroon ng di mo maipaliwanag na pagkaakit sa katapat na
kasarian. Natural lamang ito, at kung mapamamahalaan mo, ito ay makatutulong
upang ihanda ka sa pagiging ganap na lalaki o babae. Huwag kang mangamba
sapagkat ang ating simbuyong sekswal bagamat mayroon din nito ang tao, ay ibang-
iba kaysa sa hayop.
Hindi maaaring ikumpara ang katutubong simbuyong sekswal (sex drive) ng
hayop sa sekswal na pagnanasa ng tao. Ang instinct sa hayop ay isang
awtomatikong kilos o reflex mode na hindi nangangailangan ng kamalayan. Kaya nga
kapag nasa panahon na, hindi mo maawat ang mga hayop na gawin kung ano ang
likas sa kanila. Gagawin nila ito kahit sa gitna ng kalye tulad halimbawa ng mga
asong lansangan. Isa lamang ang layunin ng sekswal na pagsasama ng hayop, ang
pagpapanatili ng kaniyang uri. Kaya nga mas angkop na tawaging udyok o simbuyo
ng damdamin ang sekswal na pagnanasa kung tao ang pag-uusapan. May
kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili, may tuon, at
nag-uugat sa pagmamahal.
Ang sekswal na pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang
mangibabaw sa kaniyang pagkatao. Kung hahayaang mangibabaw, maaari itong
magbunga ng kakulangan sa kaniyang pagkatao o maging sanhi ng abnormalidad sa
sekswal na oryentasyon. Sa kabilang banda, kung mapamamahalaan at mabibigyan
ng tamang tuon, ay maaaring makatulong sa paglago niya bilang tao at magbigay ng
kaganapan sa kaniya bilang lalaki o babae.
Hindi winawalang-halaga ng Banal na si Papa Juan Paulo II ang emosyon at
ang mga pandama sa pagsibol ng tunay na pagmamahal. Sa katunayan, sinabi niya
na “ang lahat ng tao ay nararapat na gamitin ang lakas at sigla sa likod ng kaniyang
senswalidad at emosyon, upang ang mga ito ay maging katuwang sa pagsisikap na
makamit ang tunay na pagmamahal… Ang udyok o pagnanasang sekswal ng tao ay
isang katotohanang kailangang kilalanin at tanggapin bilang bukal ng likas na
enerhiya…” Ang hamon sa atin ay ang paggamit sa likas na enerhiyang ito upang
mapaglingkuran ang tunay at tapat na pagmamahal.

12
Ang likas na lakas na ito ay maaari nating ituon sa isports, sa pagpapaunlad
ng talento, mga hilig o interes at sa pag-aaral.
Ang Puppy Love

Sa panahon ngayon, ang unang paghanga sa katapat na kasarian ng isang

nagdadalaga o nagbibinatang tulad mo ay para sa mga artista, mga mang-aawit o
mga sikat na atleta o mga celebrity. Paano nga kasi, ang pang-araw-araw na buhay
ng maraming tao ngayon ay nakababad sa media: sa telebisyon, sa radyo, sa
pelikula, magasin, sa internet at ngayon, pati sa mga naglalakihang billboards sa
kalsada. Kahit saan ka pumunta, ang media ay isang reyalidad na hindi maiwasan.
Ang pamantayan tuloy ng kung ano ang kaakit-akit at kaibig-ibig ay kadalasang ayon
sa impluwensya ng media. Kaya nga, madalas ang mga nagiging “crush” mo o
hinahangaan ay iyong may pagkakahawig o may pagkakatulad sa isang celebrity na
iniidolo.
Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na
pagmamahal. Ang totoo maaari naman talaga itong maging simula o pundasyon ng
isang tunay at wagas na pagmamahalan sa pagdating ng tamang panahon.
Kailangan lamang ng tamang integrasyon ang nararamdamang senswalidad at
damdamin.
Ang puppy love ay maaaring bunga ng senswalidad, na pinupukaw ng mga
pandama (senses) at damdamin na tinatawag na sentiment, na bunsod naman ng
emosyon. Kapag nakakilala ka ng isang tao na sa iyong pamantayan ay nakaaakit,
natural lamang na an g una mong naging batayan ng paghuhusga ay ayon sa iyong
mga pandama. Maaaring sa una ang nakapupukaw ng iyong interes sa kaniya ay
ang ganda ng kaniyang mukha, katawan, kilos, pananamit o kaya’y talento at hindi
ang kaniyang pagkatao; dahil nga hindi mo pa naman siya lubos na nakikilala.
Katunayan nga minsan dahil hindi naman kayo nagkakaroon ng pagkakataon na
magkasama, at lubos na magkakilala, nawawala rin kaagad ang interes mo sa
kaniya. O kaya naman naroon lang ang interes kapag kasama mo o nakikita siya. O
di kaya’y may nakita kang bagay na hindi mo nagustuhan sa kaniya. Nalaman mo
halimbawa na mabaho pala ang hininga niya.
May mga pagkakataon naman na ang paghanga ay mas masidhi o sabi nga
“intense”. Hindi ka makakain, hindi makatulog, palagi mo na lamang siyang naiisip.
Gusto mong lagi siyang nakikita. Gusto mong lagi siyang nakakasama. Wala kang
makitang kapintasan, perpekto ang tingin mo sa kaniya. Nakatutunaw ang mga tingin
niya at nakakapaso ang dampi ng palad niya. Siguradong-sigurado ka na siya na ang
mamahalin mo habang buhay. Pagmamahal na nga kaya ito? Huwag malungkot o
madismaya kung sabihin man sa iyo ng mga nasa hustong edad at nakaranas na nito
– hindi ito ang tunay na pagmamahal na pinaghahandaan mo.
Ngunit, tulad nga ng nabanggit na, maaari naman itong gawing pundasyon
para sa isang tunay at wagas na pagmamahal. Kaya nga kung nararamdaman mo ito
ngayon, tingnan mo ito sa isang positibong pananaw at hayaan mong maging
masaya ka sa ugnayang ito. Gamitin mong inspirasyon ang hinahangaan upang
mapagbuti pa ang iyong mga gawain, pag-aaral at mapaunlad ang sarili. Ang
mahalaga, huwag mong kalilimutan na ikaw ay nasa proseso pa lamang ng
paghahanda para sa tunay at wagas na pagmamahal at ang iyong nararamdaman ay
paghanga lamang at hindi pa tunay na pagmamahal.

Ang Paggamit sa Kapwa at Pagmamahal

Sa mga nagdaang aralin ay nakilala mo na ang tao ay may kilos-loob. Ang

kilos-loob ay may kalayaan. Kaya nga kailan man walang ibang taong maaaring
magpasiya para sa iyo. Ang tunay na pagmamahal ay malaya at nagpapahalaga sa
kalayaan ng minamahal. At dahil nga may malayang kilos-loob ka, walang
makapagdidikta sa iyo kung sino ang mamahalin mo. Gayon din naman, hindi mo
madidiktahan ang sinuman na mahalin ka! Hindi ba masakit na para lamang makuha
ang pagmamahal mo ay linlangin ka ng taong itinuturing na kaibigan. Tulad
halimbawa ng kaibigang nagpapanggap o nagsisinungaling na magkatulad kayo ng
interes sa isports, gayong nababagot pala siya rito, dahil lang sa pagnanais na

13
makuha ang simpatiya mo. Kung tunay kang mahal, ipakikita niya ang tunay niyang
pagkatao at bibigyan ka ng pagkakatong magpasiya kung mamahalin mo siya sa
kung ano ang tunay na siya. At dapat gayon ka din naman sa iyong kaibigan.
Tinanong ng isang lalaki ang kaniyang asawa kung bakit siya mahal nito.
Nagbigay ng tatlong dahilan ang babae. Tinanong naman ng babae ang lalaki, at
sinabi nitong, “ikaw ang dahilan ng aking pagmamahal, mahal kita dahil ika’y ikaw.”
Ang tamis pakinggan di ba? Ang pagmamahal ay pagmamahal sa buong pagkatao
ng kapwa hindi ang pagmamahal sa ilang bahagi niya lamang dahil may ilang bagay
kang naiibigan sa kaniya.
Kung paglalaruan natin ang damdamin ng kapwa ay itinuturing mo siyang isang
bagay at hindi tao. Ginagamit mo lamang siyang pampuno sa pangangailangan mo
na magkaroon ng kasama upang hindi maiwang nag-iisa. Tandaan mong ang Diyos
nga binigyan ka ng laya na piliin kung Siya’y mamahalin mo o hindi.
Ang pagmamahal ay nagsisimula sa isang pagpapasiyang magmahal. Ang
mga paghangang nararamdaman mo ay maaari ngang mauwi sa pagmamahal kung
kapwa kayo malayang magpapasiya na pagsikapang mahalin ang isa’t isa. May mga
mahahalagang elementong isinasaalang-alang ang tunay na pagmamahal. Una,
tinitingnan mo ang minamahal bilang kapares at kapantay. Ikalawa, iginagalang ninyo
kapwa ang dignidad at kalayaan ng bawat isa. Hindi ka niya dapat piliting gumawa ng
mga bagay na labag sa iyong kalooban at gayon din naman hindi mo siya dapat
pagawin ng bagay na alam mong hindi niya gustong gawin. Dapat na mahalaga sa
iyo ang kaniyang ikabubuti at gayon din naman ang ikabubuti mo ay mahalaga sa
kaniya. Kaya nga, hindi dapat na mapabayaan ang iyong pag-aaral. Pagdating ng
tamang panahon at nagpasiya ka nang bumuo ng sarili mong pamilya katuwang ang
iyong minamahal, dapat din na handa kayo para sa mga magiging responsibilidad
dito.
Kung nakasasama sa iyo o sa iyong kaibigan ang isang ugnayan, hindi ito
tunay na pagmamahal!

Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal

Naalala ko nang unang nakipag-“date” ang isa kong pamangkin na nasa tulad
mo ring yugto. Bago siya umalis kinausap ng kaniyang ama ang kaniyang kaibigan
upang ibigay ang kaniyang mga kundisyon. Isa itong mahabang listahan ng mga
HINDI maaaring gawin ng lalaki sa aking pamangkin. Bagama’t alam niyang
pinangangalagaan lamang siya ng kaniyang ama, hindi nito maiwasan ang
magdamdam dahil tila nalimot ng kaniyang ama na siya’y may sarili ring pag-iisip.
Ito rin marahil ang pananaw ng marami sa kalinisang puri. Isang mahabang
listahan ng mga HINDI dapat gawin! Ngunit ang totoo, ang kalinisang puri ay isang
pagkilos. Ito ay pag-oo at hindi pag-hindi. Ito ang pag-oo sa pagkatao ng tao. Kung
tinitingnan natin ang tao bilang tao, hindi na kailangan ang mahabang listahan ng
HINDI na ito. Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang
minamahal bilang isang bagay. Sa mga mag-asawa na sa ganitong pananaw
nagsimula, malaya at may buong pagtitiwala ang pagbibigay ng sarili sa isa’t isa
sapagkat ang pagtatalik ay hindi bunga lamang ng sekswal na pagnanasa, kundi ang
pagbibigay ng buong pagkatao. Kung ang pagtatalik nilang ito ay bunsod lamang ng
sekswal na pagnanasa, ginagamit lamang nila kapwa ang isa’t isa upang pagbigyan
ang tawag ng laman. Hindi nagiging tagumpay ang pagsasamang sa kasiyahan ng
katawan nakabatay dahil hindi nito pinahahalagahan ang pagkatao ng tao.
Hindi nga ba, sa panliligaw, ang madalas sabihin ng mga lalaki sa kanilang
nililigawan at sa pamilya nito, “Malinis po ang hangarin ko sa kaniya.” Ibig sabihin,
hindi katawan lamang niya ang habol ng lalaki, kundi ang buong pagkatao ng
kaniyang nililigawan. Ang iba naman ang sinasabi, kung nasa husto nang gulang,
“Handa ko po siyang pakasalan.”
Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may kalinisang puri
lamang ang may kakayahang magmahal ng tunay.

14
Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod

Ang pagmamahal, dahil malaya ay dapat kapwa nasa mga taong

nagmamahalan. Hindi maaaring isa lamang sa kanila ang nagmamahal. Hindi
magkaiba o hiwalay ang pagmamahal ng bawa’t isa sa isa’t isa. Ang pagmamahal ay
nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan. Samakatuwid iisang pagmamahal
lang ito na pinagsasaluhan ng mga nagmamahalan. Hindi ito basta pagsusukli
lamang sa pagmamahal sa atin kundi pakikibahagi sa iisang karanasan. Sabi nga
ninyo sa wikang Ingles, “the feeling is mutual” o MU, pero mas angkop siguro ang
“the feeling is shared”.
Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao
sa minamahal. Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang
pagpapakasal. Ipagkakaloob mo ang iyong kalayaan at itatali mo ang iyong sarili sa
minamahal habambuhay. Mangangako kayong magmamahalan sa hirap at ginhawa,
sa sakit at sa kalusugan hanggang kamatayan. Iyo na siya at ika’y kaniya; mabaho
man ang hininga, malakas man maghilik, malakas kumain, maging sino man siya,
habambuhay!
Magagawa mo lamang ito kung ganap na ang iyong pagkatao – ang
pagkalalaki o pagkababae. Kung sa wakas ikaw ay handa na at nakatagpo ng
kabiyak, magiging responsibilidad ninyo kapwa ang isa’t isa, at ito’y malugod ninyong
tatanggapin dahil sa pagmamahal na inyong pinagsasaluhan. Ngunit, sa yugtong ito
ng buhay mo, hilaw pa at hindi pa ganap ang iyong pagkalalaki at pagkababae. Sa
katunayan, sa ngayon, kulang ka pa sa kakayahan na pangalagaan ang iyong sarili.
Sa ngayon, responsibilidad ka pa ng iyong mga magulang. Karapatan mo ang
makinabang ng pagkatuto sa mga naging karanasan nila sa pagmamahal kaya’t hindi
dapat mahiya o matakot na sumangguni sa kanila. Kaya nga pang- PG 13 ka sa
panonood ng sine at telebisyon, kailangan mo pa ang gabay at patnubay ng iyong
mga magulang!

Ang Pagmamahal ay Isang Birtud

“Maraming nagsasabi na ang pagmamahal ay maaaring sukatin sa

pamamagitan lamang ng pagiging tunay na damdamin,’ ngunit ang pagmamahal ay
isang birtud at hindi isang emosyon; at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga
pandama.”
Dahil nga ito’y birtud, ang pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at
pagkilos upang mapaunlad ito. Laging ang tuon dito ay ang ikabubuti ng minamahal
at ng dalawang taong ngayon ay pinag-isa. Higit na masusubok ang tunay na
pagmamahal sa panahong lumipas na ang paghanga na bunsod ng mga pandama at
ng matinding emosyon. Sa panahong ito masusukat kung ang minahal mo ay ang
pagkatao ng minamahal at hindi ang konsepto lamang ng inakala mong siya.
Matutukoy lamang kung tunay ang pagmamahal kung sa paglipas ng panahon ay lalo
pang napabubuti nito ang mga taong nagmamahalan.
Isa pang mahalagang katangian ng tunay na pagmamahal ang pagiging
mapanlikha nito. Katunayan kung itatanong ang tunay na katuturan ng buhay natin sa
mundo, masasabing narito tayo sa mundo upang magbigay-buhay at makibahagi sa
pagigng manlilikha ng Diyos. Dalawang uri ito, ang pagbibigay-buhay na ito ay
maaaring sa paraang pisikal o sekswal – ang pagsisilang ng sanggol, o sa paraang
ispiritwal – ang mabuhay bilang biyaya na nagbibigay-buhay din sa iba.
Kaya nga piliin man natin ang bokasyon sa pagmamahal bilang isang babae o
lalaki na walang kabiyak, kung ang pagmamahal natin sa kapwa ay nagbibigay-
buhay, magiging mabunga at makabuluhan din ang ating buhay, tinutupad din natin
ang bokasyon sa pagmamahal.
Ngayon, maaring sabihin mo na napakasalimuot pala nang tunay na
pagmamahal! Tila ba napakahirap nitong masumpungan sa mundo na ang
nangingibabaw ay labis na materyalismo at ang halagang ibinabantog ay ang
pagiging makasarili. Ah, huwag mong kalilimutan na ikaw ay tao, ang iyong potensyal
ay hindi masusukat. Sa tulong ng iyong kapwa tao, mahirap man ito,

15
masusumpungan mo rin ang tunay na pagmamahal! Sa ngayon, matuto ka sa mga
naging karanasan ng mga dumanas na ng tunay na pagmamahal. Ngunit ang
pinakamahalaga sa lahat, huwag mong kalilimutan na ang pagmamahal ay patuloy
na bumubukal mula sa Diyos sa tulong ng kaniyang grasya

Pagyamanin

Gawain 4: Mga Konseptong Natutunan

Panuto: Sumulat ng isa hanggang dalawang pangungusap kung ano ang

pinakamahalagang natutunan o kaya ay naintindihan sa mga konseptong tinalakay
tungkol sa PAGMAMAHAL. Isulat ang mga sagot sa inihandang worksheet para sa
gawaing ito.

 Ang Paggamit sa Kapwa at Pagmamahal

 Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal
 Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod
 Ang Pagmamahal ay Isang Birtud

Pagtatasa: Post-test

Gawain 5 Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga
sagot sa inihandang worksheet para dito. Sumulat ng isa hanggang tatlong
pangungusap sa bawat aytem para mas magiging klaro at mas maipapaliliwanag ang
mga sagot. Limang puntos sa pinakatamang sagot sa bawat aytem.

1. Ano ang seksuwalidad ng tao? Ipaliwanag.

2. Bakit nagiging iba ang katutubong simbuyong seksuwal o sex drive ng tao sa
seksuwal na pagnanasa ng hayop?
a. Magbigay ng katangian bawat isa: tao at hayop
b. Magbigay ng halimbawa bawat isa: tao at hayop
3. Magbigay ng isang malaim na kahulugan ng kasal.
4. Ano ang puppy love? Ipaliwanag ito at magbigay ng isang halimbawa.
5. Ano ang tunay na katuturan ng buhay natin sa mundo? Ipaliwanag.

16
Worksheets Para sa Mag-aaral
Pangalan: _____________________________ Petsa: _________
Baitang at Seksyon: _____________________

Pagyamanin

Gawain 4: Mga Konseptong Natutunan Score: _______

Panuto: Sumulat ng isa hanggang dalawang pangungusap kung ano ang

pinakamahalagang natutunan o kaya ay naintindihan sa mga konseptong tinalakay
tungkol sa PAGMAMAHAL. Isulat ang mga sagot sa loob ng bawat speech balloon.

Ang Paggamit sa kapwa at Pagmamahal

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
___________________

Ang kalinisang Puri at Pagmamahal

________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
______________

Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod

_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
___________________

17
Ang Pagmamahal ay isang Birtud
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_________________________________
___________________

Pagtatasa: Post-test

Gawain 5 Score: _______

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga sagot sa
mga patlang na inilaan dito. Sumulat ng isa hanggang tatlong pangungusap sa
bawat aytem para mas magiging klaro at mas maipapaliliwanag ang mga sagot.
Limang puntos sa pinakatamang sagot sa bawat aytem.

1. Ano ang seksuwalidad ng tao? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________

___________________________________________________

2. Bakit nagiging iba ang katutubong simbuyong seksuwal o sex drive ng tao sa
seksuwal na pagnanasa ng hayop?
a. Magbigay ng katangian bawat isa: tao at hayop
c. Magbigay ng halimbawa bawat isa: tao at hayop
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________
_______________________________________________________________

3. Magbigay ng malalim na kahulugan ng kasal. (1-3 pangungusap)

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_______________________________________________________________
18
4. Ano ang puppy love? Ipaliwanag ito at magbigay ng isang halimbawa.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________

5. Ano ang tunay na katuturan ng buhay natin sa mundo? Ipaliwanag.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

19
Isaisip

Gawain 6: Pagninilay ( Kinopya mula sa mga Gawain sa Kto12 ESP Modyul Para
sa Mag-aaral Baitang 8 Pahina 364-365)

Sa ikapitong baitang ay nagbuo ka ng plano o balangkas ng kursong

akademiko, teknikal-bokasyonal o negosyo. Mahalagang maisaalang-alang mo rin
kung paano makatutulong ang napiling kurso o karera sa pagtupad mo ng iyong
bokasyon na magmahal.
Ang mga taong tulad nina Blessed Mother Theresa ng Calcuta, Martin Luther
King Jr., at Dr. Jose Rizal ay ilang halimbawa lamang ng mga taong nagamit ang
kanilang napiling karera sa pagtupad sa kanilang bokasyon sa pagmamahal.

Panuto: Isulat ang sagot sa worksheet na inilaan para dito. Sagutin sa limang
pangungusap o higit pa ang tanong na: *Paano makatutulong ang aking napiling
kurso o karera sa pagtupad ko sa aking bokasyon sa pagmamahal?

Isagawa

Gawain 7 : Ang aking new year’s resolution: ( Kinopya mula sa mga Gawain sa
Kto12 ESP Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8 Pahina 364)
Panuto: Magtala ng mga gawain na maaaring isasagawa sa buong taon bilang
paghahanda mo sa pagganap sa bokasyon sa pagmamahal kapag ikaw ay ganap na
binata o dalaga na. Isulat ang sagot sa worksheet na inilaan para dito.

Halimbawa:
1) Ang pagsasakilos ng mga pangunahing responsibilidad sa tahanan, sa paaralan at
komunidad tulad ng: sa tahanan - paghuhugas ng pinggan; sa paaralan –
paggawa ng homework o proyekto nang maaga; pagtawid sa tamang tawiran.
a. Maglista ng kahit dalawampu (20) o higit pa na resolution at lagdaan sa ibaba ng
talaan.
b. Ipaski ito sa lugar na palaging makikita kapag tapos ng naipasa sa guro.
c. Pagsikapang tuparin ang mga ito sa susunod na buong taon.

Gawain 8 : Poster/ Picture Collage

Panuto:
1.Pumili ng isa sa napapanahong isyu kaugnay ng sekswalidad na napag aralan mo
na sa unang lingo ng araling ito. Halimbawa: Teen- age Pregnancy at Pornograpiya.
2. Gumawa ng poster tungkol dito na nagpapakita ng kampanya laban dito.
3. Gamit ang PORMAT na ito:
a. Meaning o kahulugan nito
b. Mga masasamang Epekto
c. Mga paraan kung paano ito maiiwasan o kaya masolusyonan
d. Lagyan din ito ng mga larawan na puwedeng ginupit sa mga magasin o
kaya ay iginuhit na nagpapakita sa napiling napapanahong isyu tungkol sa
sekswalidad.
4. Gawin ito sa worksheet na inilaan para dito.

20
Rubric sa Pagtataya ng Poster
100% - Nagtataglay ng lahat ng elemento sa itinakdang PORMAT
90% - Nagtataglay ng 3 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
80% - Nagtataglay ng 2 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
75% - Nagtataglay ng 1 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT

21
Worksheets Para sa Mag-aaral

Pangalan: _____________________________ Petsa: _________

Baitang at Seksyon: _____________________

Isaisip
Gawain 6: Pagninilay Score: _______

Panuto: Sagutin sa kahit limang (5) pangungusap o higit pa: Isulat ito sa loob ng
kahon.

*Paano makatutulong ang aking napiling kurso o karera sa pagtupad ko sa

aking bokasyon sa pagmamahal?

Isagawa

Gawain 7 : Ang aking new year’s resolution: Score: __________

( Kinopya mula sa mga Gawain sa Kto12 ESP Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8
Pahina 364)
Panuto: Magtala ng mga gawain na maaaring isasagawa sa buong taon bilang
paghahanda mo sa pagganap sa bokasyon sa pagmamahal kapag ikaw ay ganap na
binata o dalaga na. Isulat ang sagot loob ng kahon.
Halimbawa:
1) Ang pagsasakilos ng mga pangunahing responsibilidad sa tahanan, sa paaralan at
komunidad tulad ng: sa tahanan - paghuhugas ng pinggan; sa paaralan –
paggawa ng homework o proyekto nang maaga; pagtawid sa tamang tawiran.

22
a. Maglista ng kahit dalawampu (20) o higit pa na resolution at lagdaan sa ibaba ng
talaan.
b. Ipaski ito sa lugar na palaging makikita kapag tapos ng naipasa sa guro.
c. Pagsikapang tuparin ang mga ito sa susunod na buong taon.

Ang Aking New Year’s Resolution

23
Gawain 8: : Poster/ Picture Collage Score: ______

Panuto:

1.Pumili ng isa sa napapanahong isyu kaugnay ng sekswalidad na napag aralan mo

na sa unang lingo ng araling ito. Halimbawa: Teen- age Pregnancy at Pornograpiya.
2. Gumawa ng poster tungkol dito na nagpapakita ng kampanya laban dito.
3. Gamit ang PORMAT na ito:

a. Meaning o kahulugan nito

b. Mga masasamang Epekto
c. Mga paraan kung paano ito maiiwasan o kaya masolusyonan
d. Lagyan din ito ng mga larawan na puwedeng ginupit sa mga magasin o
kaya ay iginuhit na nagpapakita sa napiling napapanahong isyu tungkol sa
sekswalidad.
4. Gawin ito sa loob ng kahon sa kabilang pahina.

Rubric sa Pagtataya ng Poster

100% - Nagtataglay ng lahat ng elemento sa itinakdang PORMAT
90% - Nagtataglay ng 3 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
80% - Nagtataglay ng 2 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
75% - Nagtataglay ng 1 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT

24
POSTER/PICTURE COLLAGE
ISYU TUNGKOL SA SEKSWALIDAD:
_______________________________________

25
Repleksyon ( Para sa mag- aaral)

1. Ano ang natutunan mo base sa mga naging mga Gawain ninyo sa modyul na
ito?
__________________________________________________________________

2. Madali ba o mahirap ang pagsagot sa mga tanong? Bakit?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

FREE SPACE (Kung merong gustong sabihin, idagdag o imungkahe ang mag-
aaral tungkol sa paksa at sa naging mga Gawain).

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

TEACHER’S FEEDBACK (Anumang mensahe ng guro tungkol mag- aaral base

sa pagkatuto sa modyul na ito, atbp.)

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______

Lagda: ____________________

26
BUOD
Nagbibinata o nagdadalaga ka na. Kaya ang mga interes mo ay
nagbabago na rin. Ang mga dati mong kinahihiligan ay hindi na nakalilibang sa iyo.
Ang mga pisikal mong kakanyahan bilang lalaki o babae ay patuloy na lumalaki at
nagiging ganap. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay napupukaw na rin ang
iyong sekswal na interes. Hindi ito dapat na ikabahala o ikahiya. Bahagi ito ng
proseso upang maging ganap ang iyong pagkalalaki o pagkababae. Ang
prosesong ito ay mahaba at hindi dapat na madaliin. Katunayan magpapatuloy
ang paglago mo bilang isang lalaki o babae hanggang sa iyong pagtanda. (Kto12
EsP Modyul Para sa Mag-aaral Pahina 352)

Ang unang bahagi ng modyul na ito ay binubuo ng mga Gawain na may

kaugnayan sa mga iilang isyung hinaharap ng mga kabataan sa
pakikipagrelasyon. Kaya dapat pala ay pag-isipan ng mabuti ang
pakikipagrelasyon at maging responsible para sa sariling kinabukasan at ng sa
karelasyon.

Naging pokus din ang ilang napaanahong isyu tungkol sa seksuwalidad

tulad ng Teenage Pregnancy, Aborsyon at Pornograpiya. Naging komprehensibo
ang nilalaman ng isyung ito dahil sa ito’y naging parte na ng buhay ng iilang mga
kabataan. Naipaliwanag ng mabuti sa nilalaman ang mga negatibong epekto ng
mga isyung ito.

Sa ikalawang bahagi ay mas pinalalim ang pagtalakay sa seksuwalidad ng

tao kung saan ito ay nag-uugat sa ating pagkilala at pagtanggap sa ating sariling
katauhan. Sa pagpili kung ano ang dapat nating isabuhay bilang isang LALAKI o
BABAE. Magiging madali lamang ang lahat kung sasabayan natin ng pagtupad sa
mga ating mga RESPONSIBILIDAD bilang babae at lalaki.

Naging mas interesante ang mga Gawaing inihanda sa huling bahagi ng

modyul na ito, dahil naging pokus ang sariling katauhan. Katulad ng kursong
pangarap mo, kung paano mo ito magagamit sa pagtulong sa kapwa. Kasama din
ang pangako sariling tuparin ang mga naisulat na New year’s resolution.

Sana naging makabuluhan ang pag- aaral mo sa modyul na ito at nawa’y

nakatulong ito ng malaki kung paano mo haharapin ang mga pansariling isyu na
may kaugnayan sa iyong sariling seksuwalidad, pati na rin ang iyong pakikipag-
ugnayan sa kapwa.

Sa ngayon ang tungkulin mo ay paghandaan ang pagdating ng tamang

panahon upang hanapin ang iyong kapares o magiging kabiyak sa katapat na
kasarian (kung sa palagay mo ay pag-aasawa ang iyong bokasyon). Ang tamang
babae o lalaki ay matatagpuan mo sa tamang panahon – ito ay sa panahong
handa ka na at kaya mo nang magmahal nang lubos at wagas. (Kto12 EsP
Modyul Para sa Mag-aaral Pahina 352)

27
Susi ng Kasagutan
Unang Linggo : Pre-test/ Subukin
1. D 6. D
2. A 7. C
3. B 8. B
4. C 9. B
5. A 10.C

Ikalawang Linggo: Pagtatasa/ Post-test

1.Ano ang seksuwalidad ng tao? Ipaliwanag.
Sagot: Ang sekswalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki.
Hindi ka magiging ganap na tao maliban sa iyong ganap na pagiging babae o lalaki. Maaari
ding sabihing, sa iyong pagkalalaki o pagkababae magiging ganap at bukod-tangi kang tao.
Halimbawa, may kaugnayan ang iyong pagiging babae o lalaki sa papel na ginagampanan
mo sa pamilya at sa lipunan.
2.Bakit nagiging iba ang katutubong simbuyong seksuwal o sex drive ng tao sa seksuwal na
pagnanasa ng hayop?
a.Magbigay ng katangian bawat isa:
Tao: May kamalayan at kalayaan ang sekswalidad sa tao. Ito ay bunga ng pagpili, may
tuon, at nag-uugat sa pagmamahal.
Hayop: Ang instinct sa hayop ay isang awtomatikong kilos o reflex mode na hindi
nangangailangan ng kamalayan.
b.Magbigay ng halimbawa bawat isa: tao at hayop
Tao: Ang sekswal na pagnanasa sa tao ay maaari niyang supilin o hayaang mangibabaw
sa kaniyang pagkatao. Kung hahayaang mangibabaw, maaari itong magbunga ng
kakulangan sa kaniyang pagkatao o maging sanhi ng abnormalidad sa sekswal na
oryentasyon. Sa kabilang banda, kung mapamamahalaan at mabibigyan ng tamang tuon,
ay maaaring makatulong sa paglago niya bilang tao at magbigay ng kaganapan sa kaniya
bilang lalaki o babae.
Hayop: Kaya nga kapag nasa panahon na, hindi mo maawat ang mga hayop na gawin
kung ano ang likas sa kanila. Gagawin nila ito kahit sa gitna ng kalye tulad halimbawa ng
mga asong lansangan.
3.Magbigay ng isang malalim na kahulugan ng kasal.
Sagot: Ipagkakaloob mo ang iyong kalayaan at itatali mo ang iyong sarili sa minamahal
habambuhay. Mangangako kayong magmamahalan sa hirap at ginhawa, sa sakit at sa
kalusugan hanggang kamatayan. Iyo na siya at ika’y kaniya; mabaho man ang hininga,
malakas man maghilik, malakas kumain, maging sino man siya, habambuhay!
4.Ano ang puppy love? Ipaliwanag ito at magbigay ng isang halimbawa.
Sagot: Ang puppy love ay kadalasang pinagkakamalan nating tunay na pagmamahal.
Halimbawa: Hindi ka makakain, hindi makatulog, palagi mo na lamang siyang naiisip.
Gusto mong lagi siyang nakikita. Gusto mong lagi siyang nakakasama. Wala kang makitang
kapintasan, perpekto ang tingin mo sa kaniya. Nakatutunaw ang mga tingin niya at
nakakapaso ang dampi ng palad niya.
5.Ano ang tunay na katuturan ng buhay natin sa mundo? Ipaliwanag.
Sagot: Masasabing narito tayo sa mundo upang magbigay-buhay at makibahagi sa
pagigng manlilikha ng Diyos. Dalawang uri ito, ang pagbibigay-buhay na ito ay maaaring sa
paraang pisikal o sekswal – ang pagsisilang ng sanggol, o sa paraang ispiritwal – ang
mabuhay bilang biyaya na nagbibigay-buhay din sa iba.
28

Mga Sanggunian

Kto12 Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8 sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Modyul 13 Ang Seksuwalidad ng Tao Pahina 335-366

(Kinopya mula sa Sanggunian sa Modyul 13 ng EsP Modyul Para sa Mag-aaral

Pahina 366)

Dy, M. (2011). Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang at Pakikipagkapwa. Panayam

sa Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng Pinagyamang Programa
ng Batayang Edukasyon (K to 12) sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP). Abril 17,
2013, Teachers Camp, Baguio City.

Esteban, E. (1990). Education in values: What, why and for whom. Manila: Sinag-
tala Publishers, Inc.

Pope John Paul II. (2003). Theology of the body, Retrieved November 28, 2012
from www. theologyofthebody.net.

Pope John Paul II, The Challenge of Human Sexuality, Love and Responsibility
Foundation, New York, 2002, Retrieved November 28, 2012 from www.catholic.org

The Theology of the Body: Human Love in the Divine Plan and Letter to Families
of Pope John Paul II; Pauline Books & Media, Boston, MA, Retrieved November
28, 2012 from www.pauline.org.

______. (2004). Compendium of the Social Doctrine of the Church. Makati

City:Word and Life Publishing.

Johann Gottlieb Fichte, translated by Adolph Earnst Kroeger.The Dignity of

Man(n.d.)

Retrieved January 9, 2010 from http://en.wikisource.org/wiki/The_Dignity_of_Man

Lee, Patrick. Human Dignity (n.d.) Retrieved January 9, 2010 from

http://www2.franciscan.edu/plee/human_dignity.htm

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. (2010).

Gabay sa Pagtuturo sa Edukasyon sa Pagpapahalaga para sa 2010 Kurikulum ng
Edukasyon Sekundarya (SEC). Pasig City: Awtor
29
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City

Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like