You are on page 1of 65

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan

MGA GAWAING PAGKATUTO

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Edukasyon sa Pagpapakatao
Learning Activity Sheets
(Grade 9)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.
Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS PhD, CESO V, DepEd R02
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN EdD, CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : FLORDELIZA C. GECOBE PhD, CESO V, SDO Quirino
Asst. Schools Division Superintendent: CHERYL R. RAMIRO PhD, SDO Quirino
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG PhD, DepEd R02
Chief Education Supervisor, CID : JORGE G. SADDUL, SR.
Development Team
Writers: VILLA ARIEM CORPUZ, Teacher III, Dumabel Integrated School
GERLIE F. IROLITA, Teacher III, Victoria High School
ANDREA P. ANICETE Teacher III, San Antonio Integrated School
Content Editors: MARICON M. SEVILLA. Teacher III, Maddela Comprehensive High school
HELEN GRACE J. TABOR, Head Teacher III, Solano High School, SDO Nueva Viz.
MA. THERESA F. TAMAYAO, SEPS, CLMD
Language Editor: FE G. BUCCAHAN PhD, Education Program Supervisor -Filipino, SDO Quirino
Layout Artist: MARICON M. SEVILLA, Teacher III, Maddela Comprehensive High School
Focal Persons: RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02
RICHARD O. PONHAGBAN, Education Program Supervisor, EsP, CLMD, DepED R02
JULIUS AARON M. RUEDA, Education Program Supervisor– EsP, SDO Quirino
FELIMENDO M. FELIPE, Education Program Supervisor - LR, SDO Quirino
RONALD T. BERGADO, Project Development Officer II – LRMS, SDO Quirino
ROZEN D. BERNALES, Librarian II, SDO Quirino

Printed by: Curriculum and Learning Management Division

DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City
Talaan ng Nilalaman

Kasanayan(Competency) at Koda Pahina

Nakikilala ang mga palatandaan ng
katarungang panlipunan
EsP9KP-IIIc-9.1
Nakapagsusuri ng mga paglabag sa
katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan
EsP9KP-IIIc-9.2
........................................... 1

Napatutunayan na may pananagutan

ang bawat mamamayan na ibigay sa
kapwa ang nararapat sa kanya
EsP9KP-IIId-9.3
Natutugunan ang pangangailangan
ng kapwao pamayanan sa mga
angkop napagkakataon
EsP9KP-IIId-9.4
........................................... 11
Natutukoy ang mga indikasyon na may
kalidad o kagalingan sa paggawa ng
isang gawain o produkto kaakibat ang
wastong paggamit ng oras para rito
EsP9KP-IIIa-11.1
Nakabubuo ng mga hakbang upang
magkaroon ng kalidad o kagalingan sa
paggawa ng isang gawain o produkto
kasama na ang pamamahala sa oras
na ginugol dito
EsP9KP-IIIa-11.2
........................................... 21
Naipaliliwanag na kailangan ang
kagalingan sa paggawa at
paglilingkod na may wastong
pamamahala sa oras upang maiangat
ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya
ng bansa at mapasalamatan ang
Diyos sa mga talentong Kanyang
kaloob
EsP9KP-IIIb-11.3
Nakapagtatapos ng isang gawain o
produkto na mayroong kalidad o
kagalingan sa paggawa at wastong
pamamahala sa oras
EsP9KP-IIIb-11.4
32
Natutukoy ang mga indikasyon ng
taongmasipag, nagpupunyagi sa
paggawa,nagtitipid at
pinamamahalaan ang naimpok
EsP9KP-IIIe-12.1
Nakagagawa ng journal ng mga
gawaing natapos nang
pinaghandaan, ayon sa
pamantayan at may motibasyon sa
paggawa
EsP9KP-IIIe-12.2
........................................... 45
Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa
disiplinado at produktibong gawain
na naaayon sa itinakdang mithiin
aykailangan upang umunlad ang
sariling pagkatao, kapwa, lipunan at
bansa
EsP9KP-IIIf-12.3
b. Ang mga hirap, pagod at
pagdurusa ay nadadaig ng
pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng
itinakdang mithiin
Nakagagawa ng Chart ng pagsunod
sa hakbang upang matupad ang
itinakdang gawain nang may
kasipagan at pagpupunyagi
EsP9KP-IIIf-12.4
........................................... 53
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – MELC 1-2
Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan
EsP9KP-IIIc-9.1
Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan
EsP9KP-IIIc-9.2

1
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Katarungang Panlipunan

Panimula (SusingKonsepto)
Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapwa, lalo na
sa mga kritikal sa sitwasyon sa buhay. Ito ay dahil ang tao ay panlipunang nilalang o umiiral
na kasama ang ibang tao. Matutungunan lamang ang pangangailangang ito kung may
nabubuong ugnayan sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin – isang ugnayang dapat na
pinamamayanihan ng katarungan.

Kahulugan ng katarungan
Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Ayon kay Dr. Manuel
B. Dy Jr, ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng katarungan
ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling ng
sariling interes. Batay naman kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na
gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal. Ang kilos-loob
na isang makatuwirang pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa
pamamagitan ng pagiging makatarungan, sinusunod mo ang Likas na Batas Moral. Ito ay ang
pagpapahalaga sa bawat indibidwal ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay
isang katotohanang nangangailangang ng ating pagkilala at paggalang. Halimbawa ang
paninira sa ibang tao ay isa ring paglapastangan sa inyong sariling pagkatao.

Makatarungang Tao
Ano ang isang makatarungang tao? Ayon kay Andre ComteSponville (2003), isa kang
makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan
ng kapuwa. Isinasaalang-alang mo rin ang pagiging patas sa lahat ng tao, mahirap man o
mayaman, maitim man o maputi, sikat man o hindi.

Pangunahing Prinsipyo sa Katarungan

Ang makatarungang ugnayan ay umiiral sa dalawang magkapitbahay, magkaklase, o
magka-opisina kung hindi sila umaasa, walang kompetisyon o hindi nang-aagrabyado sa isa’t
isa. Bilang isang tao, karapatan ng bawat isa na mabuhay at mamuhay nang hindi
hinahadlangan o pinaghihimasukan ng iba basta naayon sa batas at walang taong masasaktan.
Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan ay ang paggalang sa
karapatan ng bawat isa anumang ugnayan mayroon ka sa iyong kapwa.

2
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Nagsisimula sa Pamilya ang Katarunagan
Sa pamilya, unang maranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo ng kamalayan
tungkol sa katarungan. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga magulang mo sa
paghubog sa iyong pagkatao, konsensya, katapatan, ugali at pagkamakatarungan. Mauunawaan
mo sa tulong ng iyong karanasan sa loob ng tahanan ang pagiging makatarungan. Halimbawa,
ang paggalang mo sa karapatan ng iyong mga kapatid o ibang tao at isinasaalang-alang mo ang
kabutihang panlahat at hindi ang pansarili lamang.

Ang Moral na Kaayusan Bilang Batayan ng Legal na Kaayusan ng Katarungan.

Bakit ginagawang batayan ng legal na kaayusan ang moral na kaayusan? Kung
titingnan nating mabuti ang tanong na ito ayon sa tunay na diwa ng pagpapakatao, ang batas
sibil ay nararapat na nakababatay sa batas moral. Ibig sabihin, ang mga legal na batas ay
kailangang nakaangkla sa moralidad ng kilos. Kung hindi, ang legal na kaayusan ay nawawalan
ng kahulugan. Inihihiwalay kasi ito sa moral na kaayusan. Mahalagang malaman mo na ang
legal na batas ay isang panlabas na anyo ng moral na batas, ang legal na kaayusan kung gayon
ay nararapat na maging tulay ng moral na kaayusan sa lipunan.
Kaugnay ng pahayag sa itaas, ang batas moral ay maituturing na isang panloob na
aspekto ng katarungan. Ang batas sibil ay ang panlabas na aspekto nito. Sabi nga, “ang batas
ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Kung kaya, ang sistemang legal ng lipunan ng
Pilipinas ay nararapat na nagbibigay ng proteksyon sa karapatang pantao ng bawat
mamamayan, mahirap man o mayaman, mahina at makapangyarihan. Mahalagang maging
makatarungan sa lahat at sumunod sa batas moral na umiiral sa bansang Pilipinas.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan EsP9KP-IIIc-9.1
Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at
mamamayan EsP9KP-IIIc-9.2

Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat inihandang gawain.
Gawain 1: Paghubog ng Katarungan
May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng iyong
pamilya upang mahubog sa iyo ang katarungan. Narito ang mga aspektong titingnan mo sa
iyong sarili. Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong karanasan sa inyong tahanan.
1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangang mong gawin ang
mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang
maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain? Magbigay ng halimbawa.

3
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapwa?
Kaugnay nito, tinutulungan ka ba na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram ng
isang bagay na pagmamay-ari ng iyong kapatid kung gusto mong gamitin ito?

3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang

tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo?

4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos

ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?

Gawain 2: Batas at Katarun gan

Panuto: Magtala ng limang (5) batas o alituntunin na makatutulong sa pagkamit ng katarungang
panlipunan.

BATAS NA UMIIRAL SA BUONG BANSA

Halimbawa: Bawal ang pagbili ng boto tuwing eleksyon.
1.
2.
3.
4.
5.

4
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3: Saloobin ng isang mamamayan
Pag-aralan ang kataga sa ibaba. Bilang isang mamamayan, ano ang saloobin mo tungkol dito.

Sagot:
_________________________________
_________________________________
_________________________________
“Ang batas _________________________________
ay para sa _________________________________
tao at hindi _________________________________
ang tao para _________________________________
sa batas.”
_________________________________
_________________________________
________________________________.

Gawain 4: Iguhit Mo
Ayon kay Andre ComteSponville (2003), “Isa kang makatarungang tao kung
ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa.”
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo pinapakita ang paggalang mo sa batas at sa karapatan ng
kapuwa mo?
2. Iguhit ang iyong sagot.
3. Ipaliwanag ang iyong guhit upang mas maunawaan ng mga mambabasa.

MGA PAMANTAYAN SA
ISAHANG GAWAIN
Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon-10 puntos
Presentasyon-5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

Gawain 5: Sang-ayon o Di sang-ayon

Bilang isang mamamayan, sang-ayon ka ba sa nilalaman ng anti-terrorism bill?
__________________________________________________________________________-
___________________________________________________________________________

5
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Repleksiyon

Kumpletuhin ang Pahayag

Ang natutunan ko sa araling ito ay ______________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagpupuntos (para sa Gawain 1 at 3)

Lebel 1 (0 pt.) Lebel 2 (3 pts.) Lebel 3 (7 pts.) Lebel 4 (10 pts.)

Sukat ng Walang Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay

Pagkatuto naipakitang nakapagbigay ng nakapagbigay ng nakapagbigay ng 5
sagot ang mag- 1-2 na tamang 3-4 na tamang o mas marami
aaral sagot kaugnay sa sagot kaugnay sa pang tamang sagot
aralin. aralin. kaugnay sa aralin.

RUBRIKS PARA SA GUHIT KAMAY

Pamantayan Pananda Puntos Natamong

Puntos

Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang mahusay ang

kaangkupan ng guhit kamay na nagpapakita ng
personal na kabutihan ng indibidwal at ang
magandang maidudulot na ginawa para sa
lipunan.

Pagkamalikhain at Maliwanag at angkop ang mensahe sa

pagkamasining na guhit paglalarawan ng konsepto na nagpapakita ng
kamay. personal na kabutihan ng indibidwal at ang
magandang maidudulot na ginawa para sa
lipunan.

Kabuuang presentasyon Malinis, maayos at mahusay sa pagpapaliwanag

at kahusayan ng guhit ang kabuuang larawan.
kamay

6
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Tanong
5 points – Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi. Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points – Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points – May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points – Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point – Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot.

Sanggunian/ References for Learners

MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakato 9, LM p. 79-83
De Torre J.M. (1987) Social Morals, Greenhills. Southeast Asian Science Foundation, Inc.
De Torre J.M. (1980) Christian Philosophy, Manila.Sinag-Tala Publishers.
Institute for Development Education, Center for Research and Communication, (1991). Work:
The Channel of Values Education. Manila. Sinag-Tala Publishers, Inc.
Pontificial Council for justice and Peace (2004) Compendium of the Social Doctrine of the
Churh, Vatican.Libreria Editrice Vaticana
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pp.129-139

MGA WEBSITES
https://youtu.be/hI3T_D8TCU
https://r.search.yahoo.com/

7
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
May apat na aspekto na mahalagang pagtuunan mo ng pansin sa pagsasanay sa loob ng iyong
pamilya upang mahubog sa iyo ang katarungan. Narito ang mga aspektong titingnan mo sa
iyong sarili. Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong karanasan sa inyong tahanan.
1. Ipinaaalala ba palagi ng mga magulang mo sa iyo na kailangang mong gawin ang
mga makatarungang bagay sa iyong ugnayan sa iba? Ginagabayan ka ba nila upang
maiwasan mo ang hindi makatarungang gawain? Magbigay ng halimbawa.
(Maaaring sagot). Ginagabayan po ako ng aking magulang lalo na sa pagsasabi
ng totoo at iwasan ang pagsisinungaling para hindi magkaroon ng problema sa
ibang tao.
2. Ipinauunawa ba nila sa iyo kung ano ang ibig sabihin ng paggalang sa kapwa?
Kaugnay nito, tinutulungan ka ba nila na sanayin ang iyong sarili tulad ng paghiram
ng isang bagay na pagmamay-ari ng iyong kapatid kung gusto mong gamitin ito?
(Maaaring sagot). Pinapaunawa ng aking magulang na dapat ipaalam muna sa
aking kapatid na hihiramin ko ang kaniyang gamit, upang ganoon din ang
gawin niya ‘pag sila naman ang manghihiram sa akin.

3. Nililinaw ba nila sa iyo ang pagkakaiba-iba ng mga sirkumstansiya ng iba’t ibang

tao lalo na ang mga nakapaligid sa iyo?

tao lalo na ang

(Maaaring mga Pinagsasabihan
sagot). nakapaligid sa iyo?
ako ng aking magulang na walang tao ang
magkakatulad ng personalidad, kaya dapat maingat ako sa mga sasabihin ko at
makitungo o makisama ako ng maayos sa ibang tao.

4. Tinuturuan ka ba nila ng pagiging mapagtimpi o pagkontrol sa sarili at pagsasaayos

ng iyong mga pagkakamaling nagagawa sa ugnayan mo sa iba?

(Maaaring sagot). Pinapangaralan ako ng magulang ko na maging mahinahon

at dapat marunong akong makinig sa sasabihin ng iba. Kung may pagkakamali
ako, humingi ng paumanhin sa kanila.

Gawain 2.
Panuto: Magtala ng limang (5) batas o alituntunin na makatutulong sa pagkamit ng katarungang
panlipunan.

BATAS NA UMIIRAL SA BUONG BANSA

Halimbawa: Bawal ang pagbili ng boto tuwing eleksyon.

8
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1. Bawal ang pagbili ng alak at sigarilyo kung wala kang 18 anyos pataas.
2. Bawal ang pasusugal at paggamit ng droga.
3. Sumunod sa batas trapiko
4. Bawal ang sumama sa makakaliwang grupo.
5. Bawal ang pagpatay at manakit sa kapwa

Gawain 3.
Pag-aralan ang kataga sa ibaba. Bilang isang mamamayan, ano ang saloobin mo tungkol dito.

Maaaring sagot:
Ang ibig sabihin ng pahayag na ito ay ang mga
batas ay ginawa upang sundin ng tao at magsilbing
proteksiyon laban sa kawalan ng hustisya. Ang
“Ang batas ay pagkakaroon ng mga batas ay pagbibigay ng
para sa tao at limitasyon sa mga kilos ng tao upang manatiling
hindi ang tao
matuwid sa kabila ng pagkakaroon ng pansariling
para sa batas.”
kalayaan. Ito ay nagsisilbing gabay upang
manatiling mapanagutan at makatao ang kilos na
isasagawa. Gayundin, ang tao ay nilikha upang
sumunod sa likas na batas moral at hindi maging
batas na tagapagdikta ng kilos ng iba. Sa ganitong
paraan mapapanatili ang kalayaan ng bawat isa at
maging ang katarungan sapagkat
napapangalagaan ang karapatan ng bawat isa.

Read more on Brainly.ph -

Gawain 4. https://brainly.ph/question/2462990#readmore
Ayon kay Andre ComteSponville (2003), “Isa kang makatarungang tao kung ginagamit
mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sa karapatan ng kapuwa.
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo pinapakita ang paggalang mo sa batas at sa karapatan ng
kapwa mo.
2. Iguhit ang iyong sagot.
3. Ipaliwanag ang iyong ginuhit upang mas maunawaan ng mga mambabasa.

9
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
MGA PAMANTAYAN SA
ISAHANG GAWAIN
Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon-10 puntos
Presentasyon-5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

Gawain 5
Bilang isang mamamayan, sang-ayon ka ba sa nilalaman ng anti-terror bill?
(Maaarng Sagot)
Sumasang-ayon ako sa anti-terror bill para maiwasan ang gulo sa ating bansa. Kapag
wala ka namang ginagawang mali sa ibang tao at sa ating bansa bakit ka matatakot at
magkakaroon ng pangamba. Mas makapagbigay ng pangamba at takot kung ang mga terorista
ang maghari o gumawa ng gulo sa ating bansa.

Inihanda ni:

GERLIE F. IRORITA
May-akda

10
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – MELC 3-4
Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa
kapwa ang nararapat sa kanya
EsP9KP-IIId-9.3
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga
angkop na pagkakataon
EsP9KP-IIId-9.4

11
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________
GAWAING PAGKATUTO
Katarungang Panlipunan

Panimula (Susing Konsepto)

Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyong ng panlipunang pamumuhay.
Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot sa
pampribado at pampublikong institusyon, hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at
ang iba pang mga katulad na sitwasyon. Kaya kung titingnan mong maigi, makikita mo kung
gaano kalaki ang hamon ng pagpapairal ng katarungang panlipunan na nakatatak o nababasa
sa ating Saligang Batas ng ating bansa.
Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr. Dy, ito ay nauukol hindi lamang sa
ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. Iba ang kapuwa
sa kalipunan. Ang kapwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao. Halimbawa:
sa batang nasa lansangan, sa isang matandang babae na nagpapaturo sa iyo kung saan ang daan,
sa kaibigan na nagpapatulong tungkol sa kaniyang problema. Samantala, ang kalipunan
(Socius) ay ang ugnayan ng tao sa isang insitusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin
sa isang istitusyon. Halimbawa nito ay ang guro o mag-aaral sa paaralan, ang konduktor ng bus
o ang empleyado sa opisina. Sila ay kalipunan dahil may namamagitan na institusyon sa
kanilang ugnayan. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang kapuwa at kalipunan. Ang
kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa.

Ang katarungang panlipunan ay namamahala sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa

kaniyang kapuwa at sa ugnayan ng tao sa lipunan. Inilalagay nito sa ayos ang panlipunang
ugnayan ayon sa kraytirya ng pagsunod sa batas. Isinasaalang-alang din nito ang mga
panlipunan, pampolitiko, at pang-ekonomiyang aspekto ng tao, mga problema ng lipunan at
mga maaaring solusyon ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga

Alam mo ba na may mga kaugnay na pagpapahalaga ang katarungang panlipunan? Ang
mga ito ay ang dignidad ng tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa, at kapayapaan.
Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng
tao, ang bawat tao ay may dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan, o
mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao. Bukod-tangi ang tao sa lahat ng
mga nilalang ng Diyos na may isip at kalayaan. Ang kaniyang pagkabukod-tangi ay hindi
nakasalalay sa kanino man. May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Dahil mahalaga ang
tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya.

Makakamit ang katarungang panlipunan sa tulong ng isang pang pagpapahalaga ng

katotohanan. Sa paghahanap mo ng katotohanan, kinakailangang tingnan ang kabuuan ng isang
12
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
sitwasyon. Ang katotohanan bilang isang pagpapahalaga ay mag-uudyok sa iyo na handa mong
ibigay ang iyong buong sarili dahil ito ay may kabuluhan sa iyong buhay at sa buhay ng iyong
kapuwa. Hindi lamang ikaw ang laging nasusunod at sunud-sunuran lamang sila sa iyo, kundi
pakinggan mo rin ang saloobin ng iyong kapuwa at maging patas sa lahat.

Kaugnay ng dignidad ng tao at ng katotohanan ay ang pagmamahal. Ang katarungan

ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na likas sa tao. Kung ang
katarungang panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, ito ay hindi lamang isang
simpleng pag-iwas na makasakit o makapinsala sa kapuwa, kundi ito ay isang positibong
paglapit sa kaniya upang samahan at suportahan siya sa kaniyang paglaki bilang tao at sa
pagpapaunlad niya ng kaniyang mga potensiyal. Ito ay nangangahulugan ng sama-samang
pagkilos ng mga institusyon ng lipunan upang makabuo ng sistemang sumusuporta sa
pagpapaunlad ng pagkatao niya, ang pagmamahal ay isang puso ng pagkakaisa.

Ayon kay Santo Papa Juan Pablo II, “Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan.” Ang
pagkakaisa ay malaking tulong para matanggap natin ang katotohanan na tayong mga Pilipino
ay dapat sama-samang namumuhay sa iisang bansa na mapayapa na malayo sa sigalot at
kaguluhan. Sa pandaigdigang sitwasyon, makita sana ng lahat ng mga bansa na magkakaiba
man ang mga lahi, lahat ay namumuhay naman sa iisang daigdig. Kailangan na maging bukas
tayo at handing isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa
kabutihang panlahat.

Sa iyong ugnayan sa kapuwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas ng

katarungan at pagmamahal lalo na para sa mga mahirap at mahina tungo sa pagkakaroon ng
kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng
kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong kapangyarihan ng mga bansa. Ang
kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa lipunang kanyang ginagalawan dahil
bunga rin ito ng pagmamahal, ang pinakamataas na antas ng pag-iral ng katarungan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa ang
nararapat sa kanya EsP9KP-IIId-9.3
Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na pagkakataon
EsP9KP-IIId-9.4

13
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 1: Mapagmahal
Panuto: Magtala ng walong (8) paraan kung paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa
iyong magulang, kapatid at sa ibang tao. Isulat ang sagot sa ornizer sa ibaba.

Gawain 2: Bahagi ako ng Lipunan

Pag-aralan ang tula. Bilang isang tao na bahagi lipunan, ano ang saloobin mo tungkol sa tula
sa ibaba.
Sagot:
Maraming sinulid na mumunti
Mahihina kapag nag-iisa, _________________________
Nguni't'matapos mahabi _________________________
Naging pinakamahusay na bandila. _________________________
_________________________
Marami ring mga tao
Na iba't iba ang kalagayan, _________________________
Pag nabigkis ng pag-ibig at layunin na totoo _________________________
Nagiging bayang makapangyarihan.! _________________________
_________________________
Read more on Brainly.ph - _________________________
https://brainly.ph/question/2291249# _________________________
_________________________
_____________

14
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3: Batayang Konsepto
Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan, punan ng angkop na salita ang pangungusap sa ibaba
upang mabuo ang Batayang Konsepto.

Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng . Ang bawat

tao ay may hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa

o mga nakakamit sa , kundi dahil sa kaniyang

Gawain 4: Islogan
Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa pagkakaisa.

Gawain 5:Kapayapaan

Panuto: Basahin ang kantang pinasikat ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Kapayapaan,

Kalayan,” pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba:

Kapayapaan ang hinihiling sana ay pakinggan

Kalayaan ang nais sa lupang sinilangan
Kay tagal na rin nating naghahanap
Ng pag-asa ngayon na ang tamang oras
Tayo ay gumising

15
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo
Upang makamtan ang minimithi
Ikaw, ako, tayong lahat
Sana ay magkasundo
Sa halip na tayo ay magkagulo
Diyos ko, palinawin ang isipan ko
Diyos ko, palinawin ang isipan ko

Iligtas mo po itong aming lupang minamahal

Kami’ po’y akuin niyo sa hirap na dinaranas
Ibigay mo po sa amin pag-asang hinahanap
Ang dalangin po naming sana ay pakinggan

Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo

Upang makamtan ang minimithi
Ikaw, ako, tayong lahat
Sana ay magkaisa
Sa halip na tayo ay magkagulo

Diyos ko, palinawin ang isipan ko

Diyos ko, palinawin ang isipan ko
Tanong:
1. Batay sa iyong pagkaunawa sa awitin, paano mo makakamtam ang kapayapaan sa bansa?

2. Sa nakalipas na tatlong (3) taon, may nabalitaan ka ba o nangyari sa iyong buhay na

nagdulot saiyo ng takot o pangamba?

Mga halimbawa ng takot o Ano ang ginawa mong Ano ang napulot mong aral?
pangamba? hakbang o solusyon?
1.

2.

16
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Rubrik sa Pagpupuntos (para sa Gawain 2)

Lebel 1 (0 pt.) Lebel 2 (3 pts.) Lebel 3 (7 pts.) Lebel 4 (10 pts.)

Sukat ng Walang Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay Ang mag-aaral ay

Pagkatuto naipakitang nakapagbigay ng nakapagbigay ng nakapagbigay ng 5
sagot ang mag- 1-2 na tamang 3-4 na tamang o mas marami
aaral sagot kaugnay sa sagot kaugnay sa pang tamang sagot
aralin. aralin. kaugnay sa aralin.

Rubrik para sa Islogan

10 8 6 4
Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo magulo Walang
ay mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
naipakita mensahe. naipakita.
Pagkamapanlikha Napakaganda at Maganda at Maganda Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang ngunit di malabo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng gaanong pagkakasulat ng
mga titik mga titik malinaw ang mga titik.
pagkakasulat ng
mga titik
Kaugnayan May malaking Di gaanong Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa may kaugnayan kaugnayan ng kaugnayan sa
paksa ang sapak sa ang islogan sa paksa ang
islogan islogan paksa islogan.

Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang

malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo.
pagkakabuo pagkakabuo

Repleksiyon

Kumpletuhin ang pahayag.

Ang natutunan ko sa araling ito ay _______________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

17
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Sanggunian

Aklat:
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pp.139-146

Mula sa Internet:
https://r.search.yahoo.com/
https://brainly.ph/question/2291249

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
Panuto: Magtala ng walong (8) paraan kung paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa
iyong magulang, kapatid at sa ibang tao. Isulat ang sagot sa organizer sa ibaba.

Huwag maging
Pagbibigay
pasaway
suporta.

Huwag turuang
manigarilyo Makinig sa
payo nila.

Huwag sila
ipahiya sa iba Igalang sila

Tumulong sa
Iwasan ang mangkutya
gawaing
sa ibang tao
bahay.

Gawain 2
Pag-aralan ang tula. Bilang isang tao na bahagi ng lipunan, ano ang saloobin mo tungkol sa
tula sa ibaba.
Maaaring sagot:
Maraming sinulid na mumunti
Mahihina kapag nag-iisa, Walang magandang dulot ang
Nguni't'matapos mahabi paggawa ng gulo sa ating
Naging pinakamahusay na bandila. bansa, ito’y nagdudulot ng
sigalot at paghihirap ng mga
Marami ring mga tao taong nadadamay lalo na sa
Na iba't iba ang kalagayan,
mga inosenteng bata. Kung
Pag nabigkis ng pag-ibig at layunin na totoo
tayo ay magtutulungan,
Nagiging bayang makapangyarihan.!
magkaisa at magmahalan, tayo
Read more on Brainly.ph - ay makagagawa ng isang18
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
https://brainly.ph/question/2291249# bansang mapayapa at masaya.
Gawain 3
Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan, punan ng mga angkop na salita ang pangungusap sa
ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto. (Isulat ang wastong sagot sa kahon)

Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng . Ang bawat

tao ay may hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa

o mga nakakamit sa , kundi dahil sa kaniyang

Gawain 4
Panuto: Gumawa ng isang islogan tungkol sa pagkakaisa.
(Halimbawang sagot)

“Anuman ang tibay ng piling abaka,

wala ring lakas kapag nag-iisa.”

Gawain 5

Panuto: Basahin ang kantang pinasikat ni Freddie Aguilar na pinamagatang “Kapayapaan,

Kalaayan” pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba:

Kapayapaan ang hinihiling sana ay pakinggan

Kalayaan ang nais sa lupang sinilangan
Kay tagal na rin nating naghahanap
Ng pag-asa ngayon na ang tamang oras
Tayo ay gumising

Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo

Upang makamtan ang minimithi
Ikaw, ako,tayong lahat
Sana ay magkasundo
SA halip na tayo ay magkagulo
Diyos ko, palinawin ang isipan ko
19
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Diyos ko, palinawin ang isipan ko

Iligtas mo po itong aming lupang minamahal

Kami’ po’y akuin niyo sa hirap na dinaranas
Ibigay mo po sa amin pag-asang hinahanap
Ang dalangin po naming sana ay pakinggan

Hindi na kailangan pang dumanak ang dugo

Upang makamtan ang minimithi
Ikaw, ako, tayong lahat
Sana ay magkaisa
Sa halip na tayo ay magkagulo

Diyos ko, palinawin ang isipan ko

Diyos ko, palinawin ang isipan ko
Tanong:
1. Batay sa iyong pagkaintindi mula sa awitin, paano makakamtam ang kapayapaan sa bansa?
(Maaaring sagot)

1. Huwag dumanak ang dugo- ibig sabihin hindi makakamtam ang katahimikan kung
dadaanin ito sa digmaan.
2. Lahat ng tao ay dapat magkasundo, magkaisa at magmahalan kahit na magkakaiba
ang lahi o bansang pinagmulan, pananaw, tradisyon o relihiyong kinabibilangan
para magkaroon ng kapayapaan ang bawat isa.

2. Sa nakalipas na tatlong (3) taon, may nabalitaan ka ba o nangyari sa iyong buhay na

nagdulot ng takot o pangamba?

Mga halimbawa ng takot o Ano ang ginawa mong Ano ang napulot mong aral?
pangamba? hakbang o solusyon?
1. Ang kaguluhan sa Nagdasal para sa kaligtasan Walang magandang nadulot
Marawi ng mga taong nadamay at ng kaguluhan sa Marawi.
nagbigay ng donasyon.
2. Natakot ako sa Makiisa at sumunod sa batas Hindi nakatutulong ang
pandemyang o alituntunin na pinaiiral sa pagiging pasaway lalo na at
nagaganap sa buong ating bansa para maiwasan may pandemya.
mundo. ang pagkakasakit. Dapat marunong din tayong
mag-impok para sa oras ng
pandemya may dudukutin
tayo na pambili ng pagkain
at pangangailangan.

Inihanda ni:

GERLIE F. IRORITA
May AkdaRD E
20
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – MELC 5-6
Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain
o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito
EsP9KP-IIIa-11.1
Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng
isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito
EsP9KP-IIIa-11.2

21
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________
GAWAING PAGKATUTO
Kagalingan sa Paggawa

Panimula (Susing Konsepto)

Wow, ang ganda naman niyan! Ang galing ng pagkakagawa! Sino ang gumawa?
imported ba o gawa sa atin?
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay nangangailangan
ng sapat na kasanayan at angking kahusayan. Hindi sapat ang lakas ng katawan at layunin sa
paggawa. May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa paggawa. Ang
pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat isaalang-alang, ngunit
hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat sa
iyo bilang tao.
Ayon kay Pope John Paul II (1981) sa kanyang isinulat na “Laborem Exercens”,
ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan niya ang kanyang
responsibilidad sa sarili, kapwa at sa Diyos. Ito ang magtutulak sa kanya upang magkaroon
ng “kagalingan sa paggawa”.
Mga katangiang dapat taglayin upang maisabuhay ang “Kagalingan sa Paggawa”.
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga.
a. Kasipagan – Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawain o tapusin ang isang
gawain na walang pagmamadali at buong pagpapaubaya. Ang produkto o gawaing
likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal sa
ginawa.
b. Tiyaga – Ito ay pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang
paligid. Isinasantabi niya ang mga hadlang sa paggawa ng isang produkto o
gawain gaya ng pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa iba, at pagdadahilan.
Ang likha ng taong may kaglingaan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at
gabay na kaniyang nakukuha sa ibang tao.
c. Masigasig – Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto o siglang
nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang atensiyon o oras niya ay
nakatuon lamang sa produkto o gawaing kaniyang lilikhain.
d. Malikhain – Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga ng panggagaya
kundi likha ng mayamang pag-iisip. Orihinal, bago at kakaiba ang produkto.
Madaling nakikilala at natatanggap ang isang produkto o serbisyo kapag bago ito
sa panlasa ng tao.
e. Displina sa Sarili – Ang taong may disiplina sa sarili ay nalalaman ang hangganan
ng kaniyang ginagawa at may paggalang sa ibang tao. Maari niyang isantabi ang
pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao.

2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan

a. Pagkatuto Bago ang Paggawa – Tumutukoy ito sa yugto ng paggawa ng plano na
gabay sa pagbuo ng isang gawain o produkto.
22
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
b. Pagkatuto Habang Ginagawa – Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang
istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang pagsasakatuparan ng mga
tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang
maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng kahaharaping problema at
solusyon sa mga ito.
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang isang Gawain – Ito ay yugto ng pagtataya sa
nagiging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito, malalaman mo ang mga
kilos at pasiya na dapat panatilihin at baguhin.
3. Nagpupuri at Nagpapasalamat sa Diyos – Ang pinakamahalaga sa lahat upang masabi
na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at kagalingan ay kung ito ay naayon sa
kalooban ng Diyos. Kung ang paggawa o produkto ay ginawa bilang paraan ng
pagpuri at pasasalamat, pagbubutihin mo ang lahat at ang balik ay pagpapala mula sa
Diyos.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

• Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng
isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito.
(EsP9KPllla-11.1)
• Nakabubuo ng hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa
paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na
ginugol dito.
(EsP9KP-lllb-11.2)

Gawain 1: Talasalitaan
Punan ang hinihinging salita batay sa katanungan sa bawat bilang.

K I N
1. Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na walang
pagmamadali at buong pagpapaubaya.

A I G G
2. Pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng
gawain o produkto.

A I H A
3. Orihinal at bago ang produkto, bunga ng mayamang pag-iisip at maging iba at
kakaiba.

L O R E R C S

4. Isinulat ni Pope John Paul II noong taong 1981.

I A A
5. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid.
23
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
P G W
6. Paglikha ng isang bagay na maaaring makaapekto sa ating mga kapwa tao.

I S L A A S I I
7. Nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at may paggalang sa ibang tao.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangan mo pang
malinang?
_____________________________________________________________________

2. Ano-anong mga hakbang ang iyong gagawin upang ito ay maisakatuparan?

Gawain 2: Tama o Mali

Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. Isulat sa
patlang ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi.
1. __________ May mga partikular na kakayahan at kasanayan na kailangan sa
paggawa.
2. __________ Ang paggawa ay mabuti sa tao sapagkat naisasakatuparan niya ang
kanyang tungkulin sa sarili lamang.
3. __________ May apat na katangian sa kagalingang paggawa.
4. __________ Ang mga pagpapahalagang kasipagan, tiyaga at disiplina sa sarili ay
nagsisilbing gabay upang gumawa ng mga dekalidad na produkto o serbisyo.
5. __________ Ang isang bagay na hindi pinag-iisipan ay magbubunga ng kagalingan sa
paggawa
6. _________ Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng produkto ay
nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan.
7. _________ Ang kagalingan sa paggawa ay hindi nasusukat ayon sa maayos na
pagsasakatuparan ng mga hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa.
8. _________ Hindi lamang ang pagkakaroon ng propesyon o kursonng natapos ang
kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat bilang tao.
9. _________ Ang damdaming ‘di nakakaramdaman ng pagod at pagkabagot sa
anumang gawain ay resulta ng kagalingan sa paggawa.
10. _________ Ang isang matagumpay na tao ay may mga pagpapahalagang humuhubog
sa kaniya lamang para huwag harapin ang pagsubok

24
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3: Malikhaing Isip
Gamit ang iyong malikhaing pag-iisip, dugtungan ang mga guhit sa loob ng mga kahon
upang makabuo ng isang larawan ng kahit na anong bagay
Halimbawa:

Zitro’s
Milktea

Pagkatapos

25
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
26
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga isinaalang-alang mo bago dugtungan ang mga guhit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. May mga hakbang ka bang sinunod upang magkaroon ng kalidad o kagalingan ang
ginawa mong pagdugtong sa mga guhit sa bawat kahon? Ano-ano ito?
________________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng pagiging malikhain upang magawa nang maayos ang isang
gawain at makalikha ng kakaibang produkto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 4: Buong Pahayag

Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan nang pagsulat ng angkop na titik upang
mabuo ang salita.

1. Ang P__ __ S __ SA __ __ __A ng isang gawain o paglikha ng produkto ay

nangangailangan ng sapat na kasanayan at angking kahusayan..

2. Hindi sapat ang lakas ng katawan at L __ Y __ __ I __ sa paggawa.

3. May mga partikular na __ A __ A __ A __ __ N at kailangan sa paggawa.

4. Ang pagkakaroon ng P __ __ P __ __ Y __ __ o kursong natapos ay isang salik na

dapat isaalang – alang, ngunit hindi lamang ito ang kailangan upang makagawa ng

isang produkto o gawaing mag-aangat bilang tao.

5. P __ __ D __ __T __ o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.

Gawain 5: Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang kasabihang” Hard Work is the Key to Success”
________________________________________________________________

27
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Repleksiyon
Isulat ang iyong repleksiyon batay sa mga napag-aralan sa araling ito at sa mga gawaing
inihanda at natapos mong sagutin.

Sa araling ito natutunan ko na _______________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral,

28
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Sanggunian

MGA AKLAT

Bacungan, C. M. et. al. (1996). A Text on Values Education. Quezon City: Katha Publishing
Co. Inc.
De Torre, J.M. (1977). The Roots of Society. Manila: Sinagtala Publishers, Inc.
De Torre Joseph M. (1987). Social Morals the Church Speaks on Society. 2nd Edition.
Copyright 1987, Manila: Southeast Asean Science Foundation, Inc.
Dy Jr., Manuel B. (1994). Contemporary Social Philisophy. Quezon City: JMC Press Inc.
Maritain, Jacques. (1996). The Person and the Common Good. University of Notre Dame
Press

WEBSITES
• Slideshare.net/joansherbie/edukasyon-sa-pagpapakatao-grade-9-teachers-guide
• Slideshare.net/Julian Rikki/edukasyon-sa-pagpapakatao- grade-9-lm
• https://e-edekasyon.ph
• https://www.slideshare.net
• https://prezi.com
• Slideshare.net/MaricarValmonte1/kagalingan-sa-paggawa
• Slideshare.net/ednaazarcon7/esp-9-modyul-10-kagalingan- sa –paggawa
• Slideshare.net/RoselleVelasco/esp-9-modyul-10-kagalingan-sa-paggawa
• Slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9-modyul-10
• Google.com.search

Susi sa Pagwawasto Gawain 1

1. KASIPAGAN
2. MASIGASIG
3. MALIKHAIN
4. LABOREM EXERCENS
5. TIYAGA
6. PAGGAWA
7. DISIPLINA SA SARILI

Gawain 2
1.TAMA
2. MALI
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
6. TAMA
29
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10. MALI

Gawain 3

Rubrik para sa isang gawaing gagawin o isasagawa

Kraytirya Lubos na Kasiya-siya Hindi kasiya-siya

kasiya-siya (3) (1)
(5)
Magaling at kakaiba ang
konsepto
Maganda at madaling
maunawaan ang mensahe
na gustong iparating sa
gawaing isinasagawa
Madaling isabuhay ang
mga pagpapahalagang
binigyang-diin sa gawain
Ang kasanayang ipinakita
ay simple at madaling
linangin
Ang isinasagawang gawain
ay nag-iiwan ng kaisipang
positibo at pag-asa

Gawain 4
1. PAGSASAGAWA
2. LAYUNIN
3. KAKAYAHAN
4. PROPESYON
5. PRODUKTO

30
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain -5
Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa Sanaysay at mga tanong
5 points – Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi. Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points – Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points – May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points – Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point – Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot.

Inihanda ni:

VILLA A. CORPUZ
May-akda

31
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – MELC 7-8
Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong
pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at
mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang kaloob
EsP9KP-IIIb-11.3
Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa
paggawa at wastong pamamahala sa oras
EsP9KP-IIIb-11.4

32
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Kakayahang Kailangan Upang Magkaroon ng Matalinong Pag-iisip
Upang Maisabuhay ang Kagalingan sa Paggawa - Michael J. Gelb, 1998

Panimula (Susing Konsepto)

Palaging Palatanong o Mausisa (Curiosita) – Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon
na alamin ang mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Marami siyang tanong na hinahanapan
ng sagot. Hindi siya kuntento sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na kaniyang narinig
o nabasa. Dahil sa kaniyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-
eeksperimento, natutuhan niya ang mga bagong kaalaman o produkto na magiging isang
malaking kontribusyon sa kaalaman o makapagpapaunlad ng kalidad ng buhay. Ang
pagtatanong at pagbubuo ng problema (questioning and posing problems) ay isa sa labing –
anim na Gawi ng Isip ( Habits of Mind) na mahalagang linangin sa mga kabataan (Costa and
Kallick, 2000)
Halimbawa: Sa pamamasyal ni Johnlu Koa sa ibang bansa , napansin niya na kakaiba
ang mga tinapay sa isang restaurant na pinuntahan nila . Nagtanong-tanong siya kung
paano ginagawa, ano-ano ang mga sangkap, ang paraan ng pagluluto at marami pang
iba. Ang mga nakalap na impormasyon ang nagbigay-daan sa kaniya upang dalhin ito
sa ating bansa. Ito ang simula ng pagtatayo ng “French Baker”, at noong 1989,
binuksan ni G. Koa ang kauna-unahang sangay ng
French Baker sa SM North Edsa. Nang sumunod na
taon pinalawak niya ang French Baker bilang isang
restaurant at bukod sa iba’t ibang uri ng tinapay na
sadyang siya ang gumagawa, nagsimula rin siyang
magtinda ng mga imported na kape, tsaa at iba pa.
Dahil sa mataas na kalidad at serbisyong ibinigay ng
French Baker sa mga tumangkilik sa kanila, napili
Slideshare.net/Maricar Valmonte1
ito bilang isa sa mga natatanging produkto ng Superbrands Philippines para sa taong
2003-2004. Noong 2004, ginawaran din sila ng Philippine Marketing Association ng
Agora Award for Company of the Year.

33
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
1. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi( Persistence) at ang
Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali – Demostrasyon ( Dimostrazione) – Ito ang
pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang
karanasan sa buhay upang upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang
pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito,
natututo ang isang tao na tumayo at muling
harapin ang hamon na gumawa muli.
Slideshare.net/Maricar Valmonte1
2.
Halimbawa: Pinangarap ni Sandy Javier na magtayo ng tindahan ng litsong manok.
Sinimulan niya ito sa pagtitinda ng ilang pirasong manok na inutang pa niya sa
kaibigan ng kaniyang ina. Sa unang subok ni Sandy, iilan lamang ang nabenta mula
sa kaniyang inihanda. Nagsilbing hamon ito sa kaniya kaya’t pinag-aralan niya itong
mabuti at hindi sumuko. Noong 1985, nagbunga ang pagod at sakripisyo ni G. Javier
dahil nagsimula ng tangkilikin ang tindahan ng kaniyang litsong manok at liempo.
Mula noon, nakilala na ito at nagsimulang buksan para sa franchising at sa
kasalukuyan may mahigit 300 na itong sangay at patuloy pang dumarami.

3. Patuloy na pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang

Mabigyang-Buhay ang Karanasan – Pandama (Sansazione) – Tumutukoy ito sa
tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao.
Halimbawa, hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi ng katawan upang isakatuparan
ang tunguhin.
Halimbawa: Hindi naging hadlang kay Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog
upang maisakatuparan ang kaniyang pangarap sa
buhay Bilang patunay, iba’t ibang parangal ang
kaniyang natanggap at madalas din siyang imbitahin
bilang tagapagsalita sa iba’t ibang pagtitipon. Sa
kasalukuyan, nagsisilbi si Bb. Ambubuyog bilang
Product & Support Manager ng Code Factory, S.L. sa
Barcelona Spain, na nangungunang tagapagtustos ng
screen reading, magnification at Braille access Slideshare.net/Maricar Valmonte1
solutions para sa mga bulag at bahagyang nakakikita gamit ang mobile devices tulad
ng cellphones at personal digital assistants (PDAs.)

4. Pagiging Bukas sa Pagdududa, Kawalang Katiyakan - Misteryo (Sfumato) – Ito ang

pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay, mga bagay na
hindi pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa interpretasyon o
kahulugan. Ang pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay
mahalaga sa pagpapalabas ng pagkamalikhain ng isang tao.
Halimbawa: Isang katutubong tagahabi ng T’nalak
(hibla ng abaca) mula sa Lake Sebu, Cotabato. Ang mga
disenyo ng kanilang mga produktong bag, damit, wallet,
at wall hanging ay mula sa kanilang panaginip.
Itinuturing ng mga manghahabi na isang espiritwal na
gawain ito kaya mahalaga ang kanilang mga sakripisyo Google.com/search
(tulad ng pag-aayuno) habang binubuo nila ang disenyo sa

34
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
mga hibla ng T’nalak. Si Lang Dulay, itinuring na Master Weaver ng mga dream
weaver na ito, ay nagkamit ng Parangal ng GAMABA( Gawad Manlilikha ng Bayan)
dahil sa mga pagsasanay na pinamunuan niya para sa mga dream weaver na
ginagawa sa itinayo niyang paaralan, Manlilikha ng Bayan Center.

5. Ang Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensiya,

Lohika at Imaginasyon – Sining at Agham
(Arte/Scienza) – Ito ang pagbibigay-halaga nang may
balance sa paghahanap sa kagadahan ( beauty) at
katotohanan ( truth) gamit ang sining (art) at
siyensiya (science). Mahalaga ang paggamit ng
imahinasyon sa mga gawaing ginagamitan ng
mapanuring pag-iisip.
Halimbawa: Ang pagsasaliksik ng mga kilalang indibidwal ay isang paraan sa
agham at sining upang makabuo o makalikha ng produkto o alinmang proyekto na
makatutulong at magiging kapaki-pakinabang sa
tao. Si Dr. Rafael D. Guerrero ang nagpasimula
ng “Vermicomposting Science and Technology”
sa bansa Timog Silangang Asya. Inilahad niya ang
unang pananaliksik na ginawa niya sa Charles
Darwin Centenary Symposium on Earthworm
Ecology sa Inglatera noong 1981, bilang isa sa
Slideshare.net/Maricar Valmonte
1
mga 150 na mananaliksik sa buong mundo. Kilala rin siya bilang may natatanging
kaalaman sa vermineal production sa buong mundo.
Bukod sa mga nabanggit, marami pa siyang ginawang
pananaliksik na naging daan upang maging tanyag
siya sa larangang pinili. Ang pinakahuli sa kaniyang
mga nagawa ay malaking tulong sa mga magsasaka
upang magamit muli ang mga farm waste. Lubos itong
nakatutulong sa pagpili ng curbing pollution, Slideshare.net/Roselle Velasco
emission of carbon dioxide, at iba pang greenhouse gases na nagpalala sa global
warming.

6. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita) – Ito ang

tamang pangangalaga sa katawan ng tao upang maging
malusog at maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman.
Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama
sa katawan.

Slideshare.net/Maricar
Valmonte1
7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng
Bagay(Connessione) – Ito ang pagkilala at pagbibigay-
halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga
pangyayari sa isa’t isa. Ayon sa Law of Ecology,
“Everything is connected to everything else”. Ang mga Slideshare.net/Roselle Velasco

35
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
halaman ang nagbibigay ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop kasama ang mga tao.
Sa kabilang banda, tao at hayop naman ang naglalabas ng carbon dioxide na
gagamitin ng mga halaman sa paggawa ng pagkain.

Halimbawa: Kailangan ng tao ang pagkain na

nagmumula sa mga hayop, puno, at halaman. Bilang
kapalit at dahil bahagi din ang mga ito sa kaniyang
kapaligiran, pinangangalagaan ng tao ang mga hayop,
puno at halaman. Ang pinakamahalaga sa lahat ng

Slideshare.net/ Maricar Valmonte 1

pagpapaphalaga upang masabi na ang paggawa ay kakaiba, may kalidad at
kagalingan ay kung ito ay naayon sa kalooban ng Diyos at iniaalay bilang paraan ng
papuri at pasasalamat sa Kaniya. Ang paggawa ng mabuti at may kahusayan at may
balik na pagpapala mula sa Diyos. Ganito ang kuwento ng buhay nina Vic at Avelyn
Garcia. Ayon sa kanila, wala nang hihigit pa sa hatid na kaligayahan kapag ang
isang gawain ay inialay sa Kaniya. Hindi Kailanman nararamdaman ang pagod, at
unti-unting masusumpungan mo ang daamdaming para kang nasa langit, lalo na
kung bahagi ng iyong kinikita ay ibinabahagi mo sa mga nangangailangan. Minsan
nang naibahagi sa 700 Club ang susi ng tagumpay kung saan sila ay nagsilbing
Career Coach at Motivational Speaker.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

• Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na
may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang
ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong kanyang
kaloob. ( EsP9KP-lllb-11.3)
• Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o
kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras. (EsP9KP-lllb-11-4)
Gawain 1: Mangagagawa
Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na makatutulong upang magkaroon ng matalinong
pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang kagalingan sa paggawa.
1. 2.

_______________________________ _____________________________

36
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3 4.

_______________________________ ___________________________

5 6.

________________________________ _______________________________

Gawain 3: Liham

Pamprosesomg Tanong
1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo na at kailangan mo pang
malinang?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano-anong mga hakbang ang iyong gagawin upang ito ay maisakatuparan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

37
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 3: Word Box

Panuto: Hanapin ang mga sumusunod na salita sa word box. Ang mga ito ay maaring
nasa anyong pababa, pahalang, pataas, o pabaliktad. Maaring gumamit ng pangkulay
(light colors) upang mabigyang-diin ang iyong kasagutan. Pagkatapos ay sagutin ang
nakahandang pamprosesong katanungan.

CORPORALITA CONNESSIONE ARTE

SCIENZA DIMOSTRAZIONE SFUMATO
SANSAZIONE CURIOSITA

S A A Z I O N A S A E N A E E
M D I M O N S T R A Z I O N E
F U E A T N C I E Z N E R O A

U A S S R E N L N N A N A I E
T T A E E I T A S E R O T Z N

E I A C E O N R C I T I I A N
R S F U M A T O I C O S O S I
T O E N C N E P E S P S R N O

A I R E U C A R T E R E I A T
A R T A R S R O Z N A N O S I
E U A R I E A C A N I N C A O

H C I E S C E E H U F O A M E
C E T E R H C S F A A C E S T

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalagang isaaalang-alang ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa
babasahin? Pangatwiran?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

38
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
2. May kakayahan ka bang isabuhay ang mga katangian at kasanayang nabanggit sa
babasahin? Pangatwiran gamit ang patunay sa bawat isa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Paano makatutulong ang kagalingan sa paggawa sa pagkamit ng kabutihang

panlahat? Patunayan gamit ang mga halimbawa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 4: Serbisyong Totoo

Umisip ng kakaibang proyekto o serbisyo na

makatutulong sa ating pamayanan. Bigyan ito ng
kakaibang pangalan at ipaliwanag kung ano ang
mga dahilan at ito’y makatutugon sa
pangangailangan ng ating komunidad

Halimbawa: “ E-Tinda.net”( Eksklusibong Tindahan gamit ang Network)

Isa sa maituturing na suliranin ng lipunan at
pamayanan ang kawalan ng hanapbuhay o pinagkakakitaan ng
mga mamamayan. Kasabay sa pagtaas ng populayon ay ang
pagtaas din ng bilang ng mga walang hanapbuhay, pagtaas ng
mga kabataang hindi nag-aaral at iba pang pagtaas na may
masamang epekto sa komunidad at lipunan na hindi
maikakailang isinisisi at ipinapasan sa pamahalaan.
Ang E-Tinda.net ay may layunin na magbigay ng pagkakataon lalo na sa mga estudyante at
gustong magkaroon ng maliit na negosyo, na magkaroon ng pagkakakitaan, makaipon at
makatulong sa pang-araw-araw na gastusin. Layon na
image of Lian A. Poleen Corpuz
maipakilala rin ang mga bagong produkto sa pamilihan at
nakakahanap ng makabagong paraan na magpahusay sa mga kasanayan, nakakakita sa
bagong hanap-buhay at kumita ng pera sa iba’t ibang pamamaraan.
39
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pamprosesong Tanong:
1. Anong produkto o gawain ang iyong lilikhain?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Anong mga pamamaraan ang iyong gagawin upang magkaroon ng kalidad o

kagalingan ang iyong gagawing produkto o serbisyo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa aralin?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 5: Malayang Pahayag

Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba.
1. Sa mga nakaraan, ang uri ng mga gawa ko
ay_________________________________________________________________________
2. Kailangan kong maging______________________________________________________
3. Upang mapahusay ko ang aking gawa ako
ay_________________________________________________________________________
4. Naniniwala ako na_________________________________________________________
5. Maliit man ang aking ginawa ito ay nagpapakita ng
aking______________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:
Ano ang kahalagahan ng pagiging malikhain upang magawa nang maayos ang isang gawain
at makalikha ng isang produkto? Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng pagsulat ng 5
pangungusap.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_____________________________________________________________
40
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Repleksiyon
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa mga napag-aralan sa araling ito at mga gawain
inihanda at natapos mong sagutan
Sa araling ito natutunan ko na _______________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang isang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

MgaSanggunian:

MGA AKLAT

Bacungan, C. M. et. al. (1996). A Text on Values Education. Quezon City: Katha Publishing
Co. Inc.
De Torre, J.M. (1977). The Roots of Society. Manila: Sinagtala Publishers, Inc.
De Torre Joseph M. (1987). Social Morals the Church Speaks on Society. 2nd Edition.
Copyright 1987, Manila: Southeast Asean Science Foundation, Inc.
Dy Jr., Manuel B. (1994). Contemporary Social Philisophy. Quezon City: JMC Press Inc.
Maritain, Jacques. (1996). The Person and the Common Good. University of Notre Dame
Press

WEBSITES
• Slideshare.net/joansherbie/edukasyon-sa-pagpapakatao-grade-9-teachers-guide
• Slideshare.net/Julian Rikki/edukasyon-sa-pagpapakatao- grade-9-lm
• https://e-edekasyon.ph
• https://www.slideshare.net
• https://prezi.com
• Slideshare.net/MaricarValmonte1/kagalingan-sa-paggawa
• Slideshare.net/ednaazarcon7/esp-9-modyul-10-kagalingan- sa –paggawa
• Slideshare.net/RoselleVelasco/esp-9-modyul-10-kagalingan-sa-paggawa
• Slideshare.net/sirarnelPHhistory/esp-9-modyul-10
• Google.com.search

41
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. DR. RAFAEL D. GUERRERO
2. SANDY JAVIER
3. LANG DULAY
4. AISA MIJENO
5. JOHNLU KOA
6. MARIA GENNETT ROSELLE RODRIGUEZ AMBUBUYOG

Gawain 2
Rubrik para sa isang gawaing gagawin o isasagawa

Kraytirya Lubos na kasiya- Kasiya-siya Hindi kasiya-siya

siya (2) (1)
(3)
Magaling at kakaiba
ang konsepto
Maganda at madaling
maunawaan ang
mensahe na gustong
iparating sa gawaing
isinasagawa
Madaling isabuhay
ang mga
pagpapahalagang
binigyang- diin sa
gawain
Ang kasanayang
ipinakita ay simple at
madaling linangin
Ang isinasagawang
gawain ay nag-iiwan
ng kaisipang positibo
at pag-asa

42
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 3

S A A Z I O N A S A E N A E E
M D I M O N S T R A Z I O N E

F U E A T N C I E Z N E R O A
U A S S R E N L N N A N A I E
T T A E E I T A S E R O T Z N

E I A C E O N R C I T I I A N
R S F U M A T O I C O S O S I

T O E N C N E P E S P S R N O
A I R E U C A R T E R E I A T
A R T A R S R O Z N A N O S I
E U A R I E A C A N I N C A O
H C I E S C E E H U F O A M E
C E T E R H C S F A A C E S T

Gawain 4:
Rubrik para sa produkto o proyektong lilikhain

Kraytirya Lubos na Kasiya- Hindi

kasiya-siya siya kasiya-
(3) (2) siya
(1)
Magaling at kakaiba ang konsepto ng produkto o
proyekto
Maganda at naipakita ang pagiging malikhain sa
proyekto o produktong ginawa
Mura at magaling ang pagpili ng mga materyales
na ginamit sa paglikha ng proyekto o produkto

Akma sa pangangailangan ng tao at ng lipunan

Madaling gawin at ang kasanayang kailangan ay
di ganoon karami o kahirap

43
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 5
Dugtungan ang mga pahayag sa ibaba.
1. Sa mga nakaraan, ang uri ng mga gawa ko ay walang kalidad.
2. Kailangan kong maging matiyaga
3. Upang mapahusay ko ang aking gawa ako ay kailangang maglaan ng oras sa pagsasanay.
4. Naniniwala ako na lahat ng tao ay may kakayahang gumawa ng may kagalingan.
5. Maliit man ang aking ginawa, ito ay nagpapakita ng aking pagkatao at kalidad bilang isang
manggagawa.

Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa mga Pamprosesong Tanong

5 points – Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi. Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points – Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points – May koneksiyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points – Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point – Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point – Kung walang isinagot

Inihanda ni:
VILLA A. CORPUZ
May-akda

44
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – MELC 9-10
Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok EsP9KP-IIIe-12.1

Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa

pamantayan at may motibasyon sa paggawaEsP9KP-IIIe-12.2

45
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok

Panimula (Susing Konsepto)

. • Kahit anong bagay at anumang larangan ang ating gagawin, kailangan natin ang kasipagan.
• Kung walang sipag ang isang tao, wala siyang matatapos.
Ano ang kasipagan?
• Ito ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may kalidad.
• Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang
pagkatao.
Palatandaan ng Kasipagan
1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi
nagmamadali sa kanyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng
kanyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kanyang buong kakayahan,
lakas at panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng
kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang
puso sa kaniyang ginagawa- ibig sabihin, naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya
ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi sinisigurado niyang may kalidad ito
3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa
anumang gawain lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa niya ng maayos at
kung minsan ay higit pa na kung minsan maging ang gawain ng iba ay kanyang ginagawa.
Hindi na kailangang pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong pagkukusa na gawin ang
gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.
Ano ang katamaran?
• Ito ang kabaligtaran ng kasipagan. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang
pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
Ano ang pagpupunyagi?
• Ito ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
• Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok nang may kahinahunan at hindi
nagrereklamo.
• Ito ay makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid ay
hindi siya dapat panghinaan ng loob at kinakailangan niyang magpatuloy at maging matatag.
46
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Ano ang pagtitipid?
• Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.
• Ito ay isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi
upang higit na makapagbigay sa iba.
• Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagkumbaba at matutong makuntento sa
kung ano ang mayroon ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.
Ano ang pag-iimpok?
• Ito ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.
• Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama upang
huwag itong mawala.
Kahalagahan ng pag-iimpok
1. Proteksyon sa buhay. Maraming mga hindi inaasahan na maaaring mangyari sa
buhay ng tao. Mahalaga na may emergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang
makabangon mula rito.
2. Hangarin sa buhay. Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay ay bahagi ng ating
kaganapan sa buhay.
3. Pagreretiro. Mahalagang nag-iipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras
ay kakayanin mo pa ang magtrabaho. Kailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang
obligasyon at hindi opsiyonal. -Francisco Colayco

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

• Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa,
nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok (EsP9KP-IIIe-12.1)

• Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa

pamantayan at may motibasyon sa paggawa (EsP9KP-IIIe-12.2)

Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat inihandang gawain.

Gawain 1: Maramihang Pagpipili

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.
_____ 1. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong
kalidad.
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at negatibo sa isang gawain.

47
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
c. Nakatutulong ito sa tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kanyang gawain,
kapwa at lipunan.
d. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng
tiwala sa sarili, mahabang pasensiya, katapatan at disiplina.

_____ 2. Si Jonelle Adrian ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kanyang mga
gawain at sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan nito. Ano kayang palatandaan
sa kasipagan ang taglay ni Jonelle Adrian?
a. Hindi umiiwas sa anumang gawain.
b. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal.
c. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
d. Hindi nagrereklamo sa ginagawa.

_____ 3. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may
kalakip na pagtitiis at determinasyon.
a. Kasipagan c. Pagsisikap
b. Katatagan d. Pagpupunyagi

_____ 4. Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na
makapagbigay sa iba.
a. Pag-iimpok c. Pagtulong
b. Pagtitipid d. Pagkakawanggawa
_____ 5. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay
Francisco Colayco maliban sa:
a. Para sa pagreretiro
b. Para sa mga hangarin sa buhay
c. Para maging inspirasyon sa buhay
d. Para sa proteksyon sa buhay

Gawain 2:Pagkilala
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________ 1. Ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain nang may
kalidad.
__________ 2. Ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
__________ 3. Ang pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin
sa buhay.
__________ 4. Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay.

48
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
__________ 5. Paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

Gawain 3: Tama o Mali

Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto
ang pahayag at MALI kung ito ay nagsasaad ng maling pangungusap. Isulat ang iyong sagot
sa patlang.
__________ 1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela.
__________ 2. Sumakay lagi kapag may pupuntahan, malayo man o malapit.
__________ 3. Mas matipid na bumili sa mall kaysa sa mga palengke.
__________ 4. Orasan ang paggamit ng mga appliances, kung hindi naman
ginagamit ay patayin ang mga ito.
__________ 5. Huwag nang bumili ng mga imported na mga gamit, tangkilikin ang
sariling atin.

Gawain 4: Kaya Mo Yan

Pagnilayan ang awit ng Orient Pearl na may pamagat na “Pagsubok”

Isip mo'y litong-lito

Sa mga panahong nais mong maaliw
Bakit ba bumabalakid
Ang iyong mundong ginagalawan
Ang buhay ay sadyang ganyan
Sulirani'y di mapigilan
Itanim mo lang sa 'yong pusong
Kaya mo yan...
[Chorus:]
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
49
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan...
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Huwag mong isiping ikaw lamang
Ang may madilim na kapalaran
Ika'y hindi tatalikuran
Ng ating Ama na Siyang lumikha
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
[Chorus:]
[Instrumental]
Hindi lang ikaw ang nagdurusa
At hindi lang ikaw ang lumuluha
Pasakit mo'y may katapusan
Kaya mo 'yan...
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong itigil ang laban
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Huwag mong isuko... at 'yong labanan
Pagkabigo't alinlangang
Gumugulo sa isipan
Mga pagsubok lamang 'yan
Huwag mong isuko ang laban

Pamprosesong Tanong:
Ano ang masasabi mo sa awitin? Kung hihimay-himayin mo ang bawat linya nito, ano
ang kahulugan nito para sa iyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
50
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 5: Pagsasabuhay
1. Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung
ito ay natutupad nang may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung
paano mo ito isasagawa.
2. Gumawa ng daily log na nagpapakita ng iyong gawain.

Mga Gawain Natupad ba ang mga Gawain na may

Kasipagan at Pagpupunyagi
Oo Hindi
1.
2.
3.
4.
5.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong gawain? Naging masaya ka ba?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili? Alin sa mga katangian ang iyong tinataglay?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang indikasyon ng taong masipag, mayroong pagpupunyagi at mayroong

pagtitipid? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Repleksiyon
Isulat ang iyong repleksiyon batay sa napag-aralan sa araling ito at mga gawaing inihanda at
natapos mong sagutin.
Sa araling ito natutunan ko na
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

51
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Mga Sanggunian:

MGA AKLAT
Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 3
1. b 1.Tama
2. c 2.Mali
3. d 3.Mali
4. b 4.Tama
5. c 5. Tama
Gawain 2
1. kasipagan
2. katamaran
3. pagpupunyagi
4. pagtitipid
5. pag-impok
Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa Mga Tanong (para sa gawain 4 at 5)
5 points- Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi. Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points- Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points- May koneksyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points- Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point- Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.
0 point- Kung walang isinagot

Inihanda ni:

ANDREA P. ANICETE
May-akda

52
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan – MELC 11-12
Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa
itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at
bansa
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad
ng itinakdang mithiin. EsP9KP-IIIf-12.3

Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang

gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi EsP9KP-IIIf-12.4

53
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Pangalan: __________________________________ Lebel:____________
Seksiyon: ____________________________________ Petsa: ___________

GAWAING PAGKATUTO
Pamamahala sa Paggamit ng Oras
Panimula (Susing Konsepto)
“Oras na!!!!!...... Time na!”
“Time is gold” sabi nila
Ano ang oras para sa iyo? Ano ang pananaw mo sa paggamit ng oras? Bakit
kaya nasabi ng karamihan na “time is gold”

Pamamahala sa Paggamit ng Oras

• Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala sa tao. Tayo ay ginawang

katiwala ng Diyos sa maraming bagay - isa na rito ang oras.
• Bilang katiwala, may tungkulin tayo na gamitin ang oras na may
pananagutan sapagkat ito ay HINDI na maibabalik kailanman.
• Ang oras ay di tulad ng salapi na maaring ipunin.
• Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong
paggamit nito sa paggawa. Ito ang pagkontrol sa dami ng oras na
gugugulin sa isang tiyak na gawain.
• Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang
pagkamabisa at kagalingan sa paggawa.

Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa

1. Specific (Tiyak). Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na

ito ang iyong nais na mangyari sa iyong paggawa.
2. Measurable (Nasusukat). Dapat pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa
iyong mga kakayahan sapagkat kung hindi ay HINDI mo rin ito maisasakatuparan.
3. Attainable (Naaabot). Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at
mapanghamon.
4. Realistic (Makatotohanan). Mahalagang tingnan ang kaangkupan ng
iyong gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa at timbangin kung ito
ay higit na makakabuti.
5. Time Bound (Nasusukat ng Panahon). Kailangan na magbigay ng
takdang panahon kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong tunguhin.

54
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras

• Pagsisimula sa Tamang Oras – ang bawat gawain ay kailangang simulan

sa itinakdang oras.
• Pamamahala sa Pagpapabukas (Mañana habit) – ang mañana habit ay ang
puwang mula sa oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa
aktuwal na oras ng paggawa. Makabubuting alamin ang mga
sirkumstansiya at mga dahilan ng iyong pagpapabukas nang sa gayun ay
mapamahalaan mo ito.
• Prayoritasyon – ito ang pagtatakda kung anong mga gawain ang dapat
gawin at tapusin sa takdang oras. Sa pamamagitan nito, mapamahalaan mo
ang paggamit ng iyong oras at matupad ang iyong mga tunguhin.

Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras

• Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay ng direksiyon sa nais mong

matupad. Magplano para sa iyong buhay. *
• Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinahaharap na
gawain.
• Pagtasa sa mga gawain. Kung ito ay malawak, simulan sa pinakamaliit na
gawain. Ang pagsisimula sa pinakapayak at madaling gawain ay
makapagdudulot ng kasiyahan o sense of achievement.

Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras

• Pag-aayos ng mga kongkretong hakbang o plano ng pagkilos upang

matapos nang maayos. Magtakda ng araw kung kailan tatapusin ang
gawain. Iwasang malihis sa ibang gawain. Mag-focus.
• Gumawa. Itakda ang oras. Gantimpalaan ang sarili sa tuwing may
natatapos na gawain.
• Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin. Maging matiyaga at kapaki-
pakinabang. Huwag susuko.

Pamamahinga at Paglilibang at Pagkakawanggawa

• Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga at paglilibang at

pagkakawanggawa, pagkatapos ng iyong paggawa ay magbibigay balanse
sa iyong buhay. Magbibigay-daan ang mga ito na magkaroon ka ng
panahon para sa iyong sarili, pamilya at kapwa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

• Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa
itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at
bansa
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng
itinakdang mithiin. (EsP9KP-IIIf-12.3)
55
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
• Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang
gawain nang may kasipagan at pagpupunyagi (EsP9KP-IIIf-12.4)
Panuto
Basahin, suriin at unawaing mabuti ang bawat inihandang gawain.
Gawain 1: Maramihang Pagpipili
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.
_____ 1. “Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala ng Diyos sa tao.” Ano ang kahulugan nito?
a. Maswerte ang tao dahil binibigyan siya ng oras.
b. Malaya ang tao na gamitin ang oras para sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin.
c. Ang tao ang nagmamay-ari sa oras dahil ipinagkaloob at ipinagkakatiwala ito sa
kanya.
d. Tungkulin ng taong gamitin ang oras nang mapanagutan para sa kabutihan niya, ng
kanyang kapwa at ng bansa.

_____ 2. Aling kakayahan ng tao ang tumutukoy sa epektibo at produktibong paggamit ng

oras sa anumang aspekto?
a. Pamamahala ng oras.
b. Nagagawa ang lahat na gawaing bahay.
c. Marami ang nasasalihan na organisasyon sa paaralan.
d. Pamamahala ng mga patung-patong na proyekto ng mga asignatura.

_____ 3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?

a. Mapabibilis ang paggawa.
b. Magkakaroon ng sense of achievement.
c. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa.
d. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.

_____ 4. Si John Andrei ay nagsisikap na gawing “On time” ang “Filipino time.” Alin sa
sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?
a. Laging nagmamadaling umuwi ng bahay.
b. Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawing ito.
c. Hindi siya nahuhuli sa “Flag Ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.
d. Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.

56
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
_____ 5. Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpapabukas-bukas?
a. Tutok sa prayoridad.
b. May nabuo na tunguhin ng gawain.
c. Ginagawa agad ang gawain kahit hindi ito nagugustuhan.
d. Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.

Gawain 2. Tama o Mali.

Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay
nagsasaad ng wastong pangungusap, MALI kung ito ay nagsasaad ng maling pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____ 1. Ang oras ay kaloob ng Diyos na ipinagkakatiwala sa tao.

_____ 2. May tungkulin ang tao na gamitin ang oras ayon sa kanyag nais.
_____ 3. Ang oras ay tulad ng salapi na maaring ipunin.
_____ 4. Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong
paggamit nito sa paggawa.
_____ 5. Ang pagsisimula sa pinakapayak at madaling gawain ay makapagdudulot ng
kasiyahan.

Gawain 3: Pagkilala
Kilalanin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________ 1. Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at mapanghamon.
__________ 2. Kailangan na magbigay ng takdang panahon kung kailan mo
maisasakatuparan ang iyong tunguhin.
__________ 3. Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang
iyong nais na mangyari sa iyong paggawa.
__________ 4. Mahalagang tingnan ang kaangkupan ng iyong gawain sa pagtugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa at timbangin kung ito ay higit na
makakabuti.
__________ 5. Dapat pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga
kakayahan sapagkat kung hindi ay HINDI mo rin ito
maisasakatuparan.

57
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 4: Awit ng Buhay
Pakinggan/Panoorin o Awitin ang “Ngayon” ni Basil Valdez gamit ang video nito galing sa
youtube: https://www.youtube.com/watch?v=f7UyzoMWzfQ

Ngayon
Sa buhay mong hiram (sa buhay mo)
Mahigpit man ang kapit (kapit)
May bukas na sa yo'y di na rin sasapit(ooh)
Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
Masasabi mong kahit na
Ang bukas, di sumapit pa
Ang naabot mo'y langit na
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang,
Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay (laging) sulit lang
Kayganda ng buhay
Bukas mo'y matibay
Dahil ang sandiga'y ngayon (ahh)

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman habang nakikinig sa awit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang kahulugan ng awit sa buhay mo bilang kabataan?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
58
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
Gawain 5: Tamang Oras
Gamit ang talahanayan, tukuyin mo ang iyong sariling paraan ng pamamahala sa paggamit
mo ng oras. Gawing batayan ang mga ginagawa mo sa nagdaang mga araw o buwan. Isulat
ang mga hinihinging impormasyon ng bawat kolum sa talahanayan.

Mga Gawain Paraan ng Dahilan Napamahalaan Naidudulot sa Akin at sa

Paggamit ng ang Oras Iba
Oras
Oo Hindi
Halimbawa:
1. Paglilinis Hindi naglinis Nanood pa √ -Napagalitan ako ng
ng bahay agad ng TV aking nakatatandang
kinaumagahan kapatid.

-Napahiya ang aking

matandang kapatid sa
kanyang bisita.
2. Pag-aaral
sa mga
asignatura sa
Ikatlong
Markahan

Pamprosesong tanong:
1. Ayon sa iyong talahanayan, paano mo pinamahalaan ang paggamit ng iyong oras?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang natuklasan mo sa iyong paraan ng pamamahala ng paggamit ng oras? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

59
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
3. Bakit mahalagang tukuyin ang paraan ng pamamahala sa paggamit ng oras?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Repleksiyon
Panuto: Isulat ang iyong repleksiyon batay sa napag-aralan sa araling ito, at mga gawaing
inihanda at natapos mong sagutin.
Sa araling ito natutunan ko na
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Bilang isang mag-aaral,
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Mga Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015, DepEd

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1.
1. d
2. a
3. c
4. c
5. a
Gawain 2
1. Tama
2. Mali
3. Mali
4. Tama
5. Tama
Gawain 3
1. attainable
2. time-bound
3. specific
60
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.
4. realistic
5. measurable

Rubrik Para sa Pagbibigay ng Marka sa Mga Tanong

5 points- Kung wasto at napunan ang katanungan ng mga mahahalagang impormasyon na
kinakailangan o hinihingi. Maayos na pagkalahad ng mga ideya.
4 points- Kung wasto ngunit may mga ideyang hindi nakaakma sa katanungan. Maayos na
paglalahad ng bawat ideya.
3 points- May koneksyon ang ideya ngunit hindi sapat upang mapunan ang hinihinging
kasagutan sa katanungan.
2 points- Ang mga ideya ay may punto ngunit malayo sa dapat na tema ng katanungan.
1 point- Kung ang mga ideya ay sadyang magulo at wala sa punto ang mga ideyang isinagot
sa katanungan.

Inihanda ni:
ANDREA P. ANICETE
May-akda

61
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times.

You might also like